Mariel Rodriguez na-shock nang habulin ng stalker
December 10, 2009
|
|
A-SHOCK si Mariel Rodriguez nang paglabas niya sa PBB House after niyang mag-host ng Pinoy Big Brother Double Up Uber ay isang lalaki ang humabol sa kanya nang pa-punta na siya sa kanyang kotse.
Aminado si Mariel na ikinatakot niya ang natu-rang pangyayari.
Aniya sa Showbiz News Ngayon: “Natakot talaga ako. Sinusundan talaga niya ako hanggang sa makasakay ako ng car. As in tumakbo talaga siya tapos gina-ganoon (thumping) niya ang car ko.”
Napag-alamang stalker pala ni Mariel ang guy. Bago pa raw kasi ‘yun nangyari binalaan na siya ng mga guwardiya ng PBB House na may lalaking aali-aligid at nagpipilit pumasok para makita siya.
Marami raw sinasabing dahilan ang stalker para lang payagan ng mga guwardi-ya na makapasok, pero naghinala raw ang mga ito kaya winarningan si Mariel.
Ayaw naman nang pa-lakihin ng boyfriend ni Mariel na si Zanjoe Marudo ang isyu.
Pinagsabihan na lang niya ang GF na mag-ingat.
Related News
No. of Views: 514 views
Tags: Mariel Rodriguez
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













