Liezl, nagsalita na kay Kris Aquino tungkol sa cancer
December 23, 2009
|
|
Saturday lang ang free day ni Albert Martinez dahil lagare siya sa taping ng May Bukas Pa sa Bacolor, Pampanga, at Kung Tayo’y Magkakalayo sa Zambales.
Pero wala siyang reklamo kahit madalas sa van na siya natutulog to save time.
May konting problema lang si Albert dahil extended up to March 2010 ang May Bukas… at kung masusunod ang schedule, sa February 22 na ang premiere ng Kung Tayo’y….
Kapag nawala ang karakter ni Albert sa MBP, alam n’yo na ang dahilan.
Kuwento ni Albert, para hindi siya malito sa kanyang karakter, ’pag nagre-report siya sa taping ng Kung Tayo’y…, nag-i-internalize na siyang siya si Capt. Frank, role niya sa bagong soap, kaso ’pag nakita siya ng tao, mayor ang tawag sa kanya na role niya sa MBP.
’Katuwa ang kuwento ni Albert kay Baby James na gumaganap na anak nila ni Kris Aquino at Jackson ang pangalan sunod kay Michael Jackson na favorite nito.
“Isinasama siya ni Kris sa taping at ‘Papa’ na ang tawag sa akin. Ayaw niyang tawagin siya ng Michael o Jack, basta Jackson lang.
“Minsan, ayos Michael Jackson siya kumpleto with gloves. ’Katuwa siya, malaki siya for a two-year-old.”
“Okay na” ang sagot ni Albert nang kumustahin namin ang misis niyang si Liezl na nagkasakit ng cancer.
Kagabi lumabas sa SNN ang one-on-one interview ni Kris kay Liezl at ito na ang nagkuwento sa mga pinagdaanan nang magkasakit.
Related News
No. of Views: 552 views
Tags: Kris Aquino
Tag Cloud
Advertisers
Featured Celebrity Gallery
Comments
Got something to say?













