Cancer ni Liezl Martinez, posibleng bumalik
December 25, 2009
|
|
Sa kauna-unahang pagka-kataon ay nagsalita na si Liezl Martinez tungkol sa kanyang kalusugan. Mata-tandaang last year pa usap-usapan ang tungkol sa diumano’y pagkakaroon ng malubhang karamdaman ng dating aktres pero naging mailap siya pati na rin ang asawa niyang si Albert Martinez at iba pa nilang kaanak na pag-usapan ito.
Sa exclusive interview ni Kris Aquino para sa SNN na nagsimula last Monday ay umamin na rin finally si Liezl na totoong na-diagnose siya na may breast cancer at stage 3 na ito. Detalyado niyang ikinu-wento ang pagkakadiskubre ng kanyang karamdaman hanggang sa kanyang mga dinaanan up to the present time.
July 10, 2008 daw siya unang nagpa-check up with Pops Fernandez. Usapan daw kasi nilang dalawa noon pa na pagdating ng 40 years old ay magpapa-check up nga sila pero nadedelay daw lagi hanggang sa finally ay parehong maluwag ang schedule nila kaya nakapagpa-check up na sila noong araw na ’yun.
Kinabukasan na nalaman ang resulta at ang sabi ng kanyang doktor ay positive. That whole day ay nag-iiyak daw siya.
July 12 ay nagpunta na siya sa hospital at July 13 naman daw inoperahan na siya. Ganu’n kabilis dahil stage 3 na nga ito. After that ay nagkaroon na ng chemotherapy treatment. Nawalan daw siya ng buhok, ng nails, and even her lashes.
Pero sa panayam kay Liezl ay may hair na siya at say nga ni Kris, may lashes na rin. Bumalik na raw ito a few months back pa lang pero hindi pa rin daw bumabalik ang dating skin tone niya but sa totoo lang, ang ganda-ganda pa rin niya. Kahit noong time ng treatment na wala siyang hair at ipinakikita ang mga photos, ang ganda-ganda pa rin ng anak ni Amalia Fuentez.
Maraming beses ay naiyak si Liezl dahil hindi naman talaga madali ang kanyang pinagdaanaan. Ang wish nga raw niya ay bigyan pa siya ng time ni Lord na makasama pa nang matagal ang kanyang pamilya. Bagama’t malalaki na ang kanyang mga anak, say niya ay kailangan pa rin daw siya ng mga ito.
Sa ngayon ay bumubuti na ang kalagayan niya pero she was honest to say na 90% ay puwede itong bumalik. We just hope and pray na malampasan ito ni Liezl at pinupuri namin ang kanyang katapangan at katatagan pati ng kanyang pamilya sa pagharap sa napakabigat na pagsubok ito.
Related News
No. of Views: 918 views
Tags: Albert Martinez, liezl martinez
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













