Kris Aquino, nagpaliwanag sa billing issue

December 25, 2009









Ngayong Sabado ang alis nina Kris Aquino, asawang si James Yap at mga anak na sina baby James at Joshua para magbakasyon ng ilang araw sa Bangkok.

Before Christmas sana gusto ng TV host na umalis, pero hindi puwede dahil may basketball game pa si James noong December 24. Hanggang Dec. 31, sa Bangkok ang mag-anak at dito na sila sa Bagong Taon.

Ngayon lang magbabakasyon si Kris na naging busy buong taon at mas magiging busy sa papasok na taon dahil bukod sa tuluy-tuloy na taping ng Kung Tayo’y Magkakalayo, magiging busy din siya sa kampanya ng kapatid na si Sen. Noynoy Aquino.

Samantala, marami ang nagtataka kung bakit hindi ipinalagay ni Kris ang litrato sa poster ng Mapo Po 6 at wala rin ang pangalan niya sa billing nang nasabing pelikula gayung marami siyang eksena.

Ang paliwanag ni Kris dito, para mabawasan ang problema ni Mother Lily sa billing, nag-usap sila ng manager niyang si Deo Endrinal na ’wag nang ilagay ang picture at pangalan niya sa poster.

“Special participation lang ako at tama si Deo na no billing and no picture, no problem,” wika ni Kris.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser