Heart Evangelista ipinakilala na si Dennis Trillo sa pamilya
December 29, 2009
|
|
Ipinakilala na ni Heart Evangelista sa kanyang parents si Dennis Trillo nang bumisita ang aktor sa bahay ng aktres kamakai-lan.
Maganda naman daw ang naging paghaharap nina Dennis at mga magulang ni Heart.
Na-feel nga raw ni Dennis na welcome siya at walang resentment kahit pa alam ng mga magulang ni Heart na may “magandang intensiyon” siya sa kanilang anak.
Okey din umano ang naging paghaharap nila ng daddy ni Heart.
Maayos siyang kinausap at ayon mismo kay Heart ay maganda ang naging impression ng kanyang ama kay Dennis.
Nangangahulugan kaya na pasado na si Dennis sa daddy ni Heart kaya wala nang magiging hadlang kung itutuloy na niya ang panliligaw sa dalaga?
Nagkalapit sina Heart at Dennis dahil magpartner sila sa Mano Po 6 at mayroon pa silang kissing scene sa movie.
Biro tuloy ng mga kaibi-gan ni Dennis, mistulang nanalo ng jackpot sa lotto si Dennis dahil natikman ang malalambot na labi ng dream girl niyang si Heart.
Related News
No. of Views: 1,114 views
Tags: Dennis Trillo, Heart Evangelista
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













