Katrina Halili nagpasalamat sa patuloy na suporta

December 29, 2009









Nagpapasalamat si Katrina Halili sa patuloy na suportang natatanggap sa mga kaibigan at higit sa lahat sa GMA-7 sa patuloy na pagbibigay ng network sa show.

Dahil sa moral support ng mga kaibigan at ng kanyang mother studio, mas lalong lumakas ang loob ni Katrina na ipagpatuloy ang kanyang ipinaglalaban.

Ibinalita ng aktres na tuloy pa rin ang hearing ng kasong libel na inihain niya laban sa mother ni Hayden Kho.

At tila uusad na rin ang kaso laban sa uploading ng videos, na ayon sa aming natanggap na tsika, may 10 pangalan na raw ang lumabas at kasalukuyang inim-bestigahan sa kasong illegal uploading ng sex video ni Hayden.

“Gusto ko po linawin na hindi sa akin nanggaling ‘yung sampung pangalan na iniimbestigahan nila. Kahit isang pangalan po ay walang nanggaling sa akin. Sila po ang nagsabi sa akin at saka ‘yung affidavit, sa kanila rin nanggaling,” paglilinaw ni Katrina.

Tanong tuloy kay Kat nang entertainment press, hindi ba siya natatakot na maaaring may magbanta sa kanyang buhay dahil sa may iba pang nasangkot sa ipinaglalaban niya?

“Gusto ko po ipaglaban ang karapatan ko. Kung mamamatay ako, eh, ‘di mamamatay ako! Pero i-paglalaban ko ang karapatan ko,” matapang na pahayag ni Kat.

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser