Angel Locsin nilinaw ang relasyon niya kay Efren Peñaflorida.
January 28, 2010
|
|
NILINAW ni Angel Locsin ang relasyon niya kay Efren Peñaflorida. Wala raw da-pat ipagselos dito si Luis Manzano .
“Nagte-text kami pa-minsan-minsan (ni Efren). Minsan, pumupunta siya sa bahay kasama ang kids at minsan lumalabas din kami at nanonood ng sine kasama siyempre ang mga bata. Alam naman niyang friend lang kami. Ayokong magpaasa sa taong nagi-effort at ang bait-bait naman ni-ya talaga,” say ni Angel
Would you believe, si Efren pa ang tumatawag kay Luis at Lipa Governor Vilma Santos para malaman ng mga ito ang tunay na relas-yon nila ni Angel.
“Napaka-proper niya. Siguro, ayaw niyang ma-ka-offend. Bakit kasi may ibang lumalabas na balita. Si Tita (Vilma Santos), sa-nay na siya sa showbiz kaya alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon,” dagdag ni Angel.
Nagpapasalamat si An-gel na nagkaroon siya ng ka-ibigan na nagbibigay sa kanya ng inspirasyon na gumawa ng mabuti para sa bayan at lalong mapalapit sa Pa-nginoon.
“Binigyan niya ako ng libro na nagbibigay ng kasagutan sa mga bagay na ‘di ko alam at lahat ng kasagutan ay makikita mo roon.”
Well, kung ganyan ang paghanga ni Angel kay Efren Peñaflorida ay hindi naka-pagtataka kung mahulog din ang loob niya sa CNN Hero.
Maaaring hindi ngayon dahil sariwa pa ang sugat sa puso ni Angel. At nandiyan pa si Luis na ginagawa ang lahat para manumbalik ang kanilang naudlot na pagma-mahalan.
Related News
No. of Views: 1,737 views
Tags: Angel Locsin, Efren Peñaflorida
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













