Krista Ranillo ibinili ni Pacman ng mga alahas worth P5M
January 31, 2010
|
|
BAWAT kilos ngayon ni Krista Ranillo ay inaaba-ngan, tulad ng pagpunta nito sa America kamakailan na binigyan na naman ng ‘di magandang kulay.
Makikipagkita lang daw si Krista nang palihim kay Manny Pacquiao. At balitang pinasundo pa raw ito ng helicopter ni Pacman para magkita sila sa isang ‘di ma-lamang lugar sa America.
Ang latest na tsika ay ang pagpunta sa isang gro-cery ni Krista sa America kung saan sangkatutak daw ang pinamili nito na halos mapuno ang dalang kotse. At kabuntot na naman ng balitang ito ang name ni Pac-man, na siyang gumastos daw ng pinamili ni Krista.
Lahat nga ng gawin nga-yon ng controversial actress ay kabuntot ang pangalan ng Pambansang Kamao. Kaya nga napaaga raw si Jinkee sa pagpunta sa U.S. para bantayan ang mister. Sobrang naaapektuhan na raw ang maybahay ni Manny sa naglalabasang nagkikita nang palihim sina Krista at kanyang mister.
Sa showbiz ay walang naililihim lalo‘t sikat na celebrity ang sangkot. Heto pa, ano naman kaya ang reaction ni Suzette Ranillo sa bagong tsikang binigyan ng mga alahas ni Pacman si Krista worth more than five million pesos?
Sabihin kaya ni Suzette, na Tita ni Krista, o ng mga Ranillo, na may pera din si-lang pambili ng mga alahas?
Related News
No. of Views: 2,769 views
Tags: KRISTA Ranillo, manny pacquiao
Tag Cloud
Advertisers
Comments
Got something to say?













