Cristine Reyes nagalit kay Sarah Geronimo

December 13, 2010









HOT item ngayon ang naka-post sa Twitter account ni Cristine Reyes (a.k.a @PilyangSweet) last December 12.

Narito ang tweet ng sexy actress tungkol sa isang komento raw ng isang host sa rehearsal ng ASAP XV: “I’m not yet done with you. Nawala lang ako today sa ASAP lalapitan mo na agad. Grabe ka sarili mo ata tinutukoy mo sa parinig mo. MOVE ON…Baka naman till now, hoping ka pa? Kaya nagpapower-trip ka na pinatanggal n’yo pa asap kahit nakapagrehearse na! Oo nga pala wala naman kaming laban sa iyo dahil Ikaw ang Reyna! Lahat ng gusto mo masusunod!

Kahit nakakatapak ka na ng ibang tao! Sige pagbibigyan kita! Kung ang tanging hiling mo lang, makalapit ka sa kanya hindi na ako mag-aAsap! Tutal show mo ’yun eh. Sa-yong-sayo na!!! Hinding-hindi ako papayag na ISA ako sa mapagpopower-trip mo. Kung ’yung Isa OK lang na ma-take ginagawa mo, ako kaya hindi ko kaya.

Hindi usapan ang talent o paramihan ng fans! Hindi ako maghahanap ng kakampi! Nagttweet ako ng kahit ano dahil sakin to. I’m so sure magddrama ka na naman yan. Paawa effect. Very talented! Best actress! Grand slam! Mabuhay ka IDOL!

Kahit hindi pinangalanan si Cristine, alam ng lahat na ang pinatutungkulan nito ay walang iba kundi ang young singer-actress na si Sarah Geronimo.

Wala pang reaksiyon si Sarah tungkol dito, pero ang personal assistant siyang si Anna Dasig (@annadasig), may sagot sa kanya ring Twitter account.

“@PilyangSweet nagbibiruan lang sila ni john pratts kanina. ewan ko kung bakit kailangan mong mag-react ng over ng ganito? Relax ka lang! Alamin mo muna kung ano ang puno’t dulo bago ka mag-react ng ganyan.”

Na agad namang sinagot ni Cristine ang PA ni Sarah ng: “@annadasig ’yung alaga mo pagsabihan mo wag ako! nanahimik ako. Siya ang nagsimula Hindi ako!”

Hay naku, hanggang saan kaya makakarating ang galit ni Cristine kay Sarah? ’Yun ang aabangan natin…

Related News







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser