Iza Calzado mum on Vic Sotto and Pauleen Luna issue

December 2, 2011





ULILA na sa magulang, wala pang boyfriend at malapit na ang Pasko. Ano kaya ang nararamdam ni Iza Calzado ngayon?

“Eh, ano ngayon kung wala lang boyfriend? Hindi ko naman puwedeng sabihin na, eh, ano ngayon kung wala kang magulang? Hindi totoo ’yon. Marami ka namang kaibigan. Hindi ba puwedeng mga kaibigan mo ang nagpapasaya sa ’yo ngayon?” deklara ni Iza nang makausap namin sa presscon ng Panday 2 ni Sen. Bong Revilla Jr.

Okey pa rin naman sila ng ex-boyfriend niyang si Atticus King pero aniya, “Huwag na nating pag-usapan. Nakaraan na ’yon. Baka hindi pa ngayon ang panahon para sa mga ganyang… but we will always be friends!”

Pero nag-e-entertain ba siya ngayon ng bagong suitors?

“I entertain people. Period!” sagot ng aktres.

Ngayong Pasko, aminado siyang malungkot silang magkapatid dahil wala na ang amang si Lito Calzado. Mami-miss kasi nila ’yung biruan nila sa ama.

Eh, ano ang  best gift na gusto niyang matanggap ngayong Pasko.

“Happiness!” tugon ni Iza.

“Kung sa material, gusto ko lang mag-travel nang mag-travel ngayon. That’s the most material thing I want right now. Hindi naman ako  maalahas,” bulalas ng aktres.

Teka nga pala, totoo ba ’yung tsismis kina Vic Sotto at Pauleen Luna?

“Ano ang kinalaman ko riyan?” iwas niya.

So, wala siyang napapansin sa dalawa niyang kasama sa Eat Bulaga?

“Pag-usapan na lang natin ang buhay ko,” iwas ni Iza.

Sa pagpasok ni Isabelle Daza sa noontime show, hindi ba siya insecure?

“Bakit naman ako mai-insecure roon sa tao?” balik-tanong niya.

Totoo bang may sariling dressing room si Isabelle sa Broadway Studios?

“Ano ba naman kayo? Nagugulat naman ako sa tanong ninyo!” bulalas ni Iza.

Pero may sarili ba siyang dressing room?

“Wala! Magkakasama kami sa isang kuwarto,” pahayag ng aktres.







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser