Cristine Reyes ok’s Rayver Cruz affair with another woman except Sarah Geronimo

December 5, 2011





KABI-kabila ngayon ang tsismis tungkol sa pambababae raw ngayon ng BF ni Cristine Reyes na si Rayver Cruz.

Pero waring dedma at hindi apektado si Cristine.

Kilala raw kasi si Cristine na sobrang selosa, pero parang okey lang sa magandang aktres ang ginagawa ng kasintahan  ngayon.

Ayon sa isang malapit sa aktres, totoong okey lang kay Cristine kung may idi-ne-date na ibang babae si Rayver.

Pero, huwag na huwag lang daw si Sarah Geronimo ang mababalitaan nitong kasa-kasama ni  Rayver.

Bukod-tanging si Sarah lang daw ang babaing pinagseselosan ni Cristine dahil alam daw ni Cristine na first true love ni Sarah si  Rayver.

Kunsabagay, totoo namang dapat mag-ingat si Cristine kay Sarah dahil we heard na up to now, may kilig pa rin si Sarah kay Raver at ganoon din ang actor sa singer-actress.

Pero ang tanong, hindi kaya si Sarah ang girl na tinutukoy ni Mo Twister na nakitang ka-date ni Rayver?

Ayaw kasing pangala-nan ni Mo ‘yung girl at kahit clue, eh, ayaw nitong magbigay.

Basta ang sabi ni Mo, ang girl daw ay magaling na singer!







Tag Cloud

-->

Advertisers


 


Comments

Got something to say?





Advertiser