Kaye Abad speaks up about ex Chito Miranda’s relationship with Neri Naig

May 31, 2012





Sa ginanap na presscon ng Angelito: Bagong Yugto, hindi na nakaiwas si Kaye Abad sa mga katanungan tungkol sa kanyang dating boyfriend na si Chito Miranda na ngayon nga ay very open sa kanyang bagong relationship with Neri Naig na dating contestant ng Star Circle Quest. “Okay naman kasi at least masaya na siya ulit so masaya din ako. Basta masaya siya, masaya ako.”

Sa tagal nilang naging magkarelasyon ni Chito, hindi na maikakailang naging malapit na ang kani-kanilang mga pamilya. Dahil bayaw niya si Jay Contreras na vocalist ng bandang Kamikazee (na kasal sa dating child star na si Sarah Jane Abad) na very close kay Chito at sa banda niyang Parokya ni Edgar, natanong ng Push si Kaye kung may mga pagkakataong nagkikita sila o nagkakasama. “Hindi lang yung bayaw ko, pati yung mga pamangkin ko kasi lumaki yung mga pamangkin ko na kapitbahay niya sina Chito. Hindi kami madalas masyadong magkita kasi that time naging busy ako with Angelito at siya din busy din siya sa mga gigs niya na halos everyday may trabaho siya so hinid kami masyadong nagkikita.”

Maayos naman ang relasyon ni Kaye sa dating kasintahan, samakatuwid ay very open ang communication ng bawat isa. “Nagkaka-textan, nagkakamustahan. Minsan may mga nire-retweet siya na tweets ko, sobrang good friends.”

At sa paglilinaw na hindi rin naging maganda ang naging hiwalayan ng dalawa, pinabulaanan ito ni Kaye at sinabing na-maintain pa rin nila ang close relationship kahit sa kanya-kanyang mga pamilya. “Oo kahit sa family niya sobrang okay kami, nagkakamustahan. Nung Mother’s Day kumbaga binati ko lahat ng kapatid niya, yung Mommy niya so sobrang okay.”

Natanong din si Kaye kung naipakilala na ba sa kanya ni Chito ang bagong girlfriend, ang naging pag-amin ni dalaga, “Once! Nagkakilala kami.” Kaya naman nang nagkalokohan ang press na malaki ang hawig ni Kaye kay Neri ang naging sagot ni Kaye, “Mas mestiza naman yun.”

At sa tanong na kung maayos ba sila ni Neri, “Hindi kami close e kumbaga ano lang ‘hi hello.’ Never kaming nagkaroon ng time magkausap so nakilala ko lang siya from before from Star Circle Quest.”

Natanong ng Push si Kaye kung napagkwentuhan ba sila ni Chito ng kani-kanilang love life. “Actually hindi masyado kasi kumbaga kanya na yun. Bibigay ko na sa kanya yun kung ayaw niya ikwento hindi ko na ipipilit ngayon kung ano yung mga shinashare niya sa akin yun na lang ang nakukuha ko.”

 
For more news visit Pinoy Showbiz Entertainment Portal

For more Showbiz  news visit Pinoy Showbiz News

Please visit our Cityscape Residences Bacolod  and The Best Filipino Desserts Recipes







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats