Jericho Rosales out of Judy Ann Santos and Sam Milby teleserye

February 28, 2013





In fairness kay Sam Milby, talagang nag-aaral siya nang husto ngayon ng pagta-Tagalog dahil nahihiya siya sa kanyang co-star na si Judy Ann Santos sa Against All Odds teleserye.

May dialogue kasi si Juday one time na magaling daw na actor si Sam pero ang problema lang  ay bulol nga ito sa Tagalog.

What Sam did, talagang kumuha siya ng tutor para turuan siya ng Tagalog and guess what, nang huli namin siyang makausap, may improvement na nga kaming nakita.

Say nga niya, mabuti at nahinto ang taping ng Against All Odds for a while dahil nagkaroon siya ng oras na mag-practice nang husto ng ating lengguwahe.

Nakatulong din daw ang teleseryeng Kahit Konting Pagtingin na kasalukuyang umeere kung saan ay kasama niya sina Angeline Quinto at Paulo Avelino dahil nahahasa siya sa Tagalog.

“And sobrang todo na talaga ’yung pag-aaral ko ng Tagalog ngayon, mayroon na akong tutor, si Tita Daisy Cariño. Magaling talaga siya. And ngayon, ’pag pack-up ng taping, mayroon kaming session.

“So ngayon, unti-unti na gumagaling pero siyempre may accent pa, may times na nahihirapan talaga ako. The important thing is nag-i-improve talaga ako,” sabi ni Sam.

Ayon pa sa Fil-Am actor, ayaw naman niyang mag-suffer ang acting niya just because hindi siya marunong mag-Tagalog kaya concentrated siya talaga sa pag-aaral ng Filipino language.

Ngayon ay nag-resume na ang taping ng Against All Odds at natanong nga namin sa kanya kung napansin ba ni Juday ang improvement niya sa Tagalog.

“Nag-resume na kami pero ’yung mga eksena na ginawa namin, du’n kami sa story na hindi kami masyadong nagkikita. So, wala pa siyang nasabi sa akin,” natatawa niyang sabi. “Sana, mapansin niya,” he added.

Speaking of Against All Odds, nilinaw din ni Sam ang tungkol sa intrigang dapat ay kasama niya si Jericho Rosales pero pinalitan na raw ito ni John Estrada.

“Actually, I don’t know kung dapat ko sabihin ’to, pero ’yung original cast, last year pa, kasama talaga si John Estrada. ’Yung role na ’yan, John Estrada talaga, tapos nagkaroon siya ng A Beautiful Affair kaya hindi niya puwedeng gawin ang Against All Odds.

“Then, tumigil na kami sa taping, natapos na rin ’yung A Beautiful Affair and dapat nga si Jericho ang kasama and then, I don’t know what actually happened but ayun, dahil tapos na ang A Beautiful Affair and si Jericho, hindi na kasama, si John Estrada ulit ang kasama sa teleserye,” paliwanag ni Sam.

Sa tingin ba niya ay hindi siya ang dahilan kung bakit nag-backout si Echo since siya ang leading man ni Juday?

“Hindi siguro, dahil napakalaking role rin ’yung kay John Estrada. Magkaiba ’yung roles namin, ayoko lang i-spoil pero very important din ’yung role niya, it’s a leading man role rin. Basta ayoko lang ikuwento masyado pero parehas ’yung role namin na importante,” sabi ni Sam.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats