KC turns down French suitor

February 28, 2013





Bagama’t kontrobersyal ang love life ni KC Concepcion, for now, ayon sa dalaga ay hindi raw ito ang kanyang priority dahil gusto raw muna niyang i-enjoy ang pagiging single bago siya pumasok ulit sa isang relasyon.

Nag-enjoy din daw siya sa mga bagong pangyayari sa career niya ngayon tulad na nga lamang ng bago niyang endorsement, ang Boardwalk  for Signature Style Collection na ini-lauch kahapon sa EDSA Shangri-La Plaza kung saan nga rin siya nakatsikahan ng entertainment press.

Aniya, right now ay na-realize niyang hindi pa raw siya ready na pumasok sa isang serious relationship kaya friends na lang daw muna sila ng kanyang French suitor na si Pierre Emmanuel Plassart.

“Yes, si Pierre kasi, I met him unexpectedly sa isang dinner ni Pres. Bill Clinton. Second time akong in-invite sa isang functions ng mga Clintons.  Nakasama ko talaga siya in the same table with his mom and my mom.

“Needless to say, nagkasundo kami, it was fun talking to him, dumating lang siguro sa point na sumeryoso masyado at na-realize ko na hindi pa pala ako ready na maging sobrang serious.

“So, kesa mag-progress pa at masaktan siya in the end, parang prineserve ko muna kung anuman ’yung friendship na meron kami and pick up siguro in the future kapag ready na kaming dalawa,” pagbabahagi ni KC.

Mahabang usapan daw ang naganap sa kanila ni Pierre tungkol dito and in the end, naintindihan naman daw ng suitor ang kanyang desisyon  and very thankful naman siya for that.

“Naintindihan niya although siyempre, pinu-push niya ’yung… he’s fighting for it, pero kasi you have to be in the same level pagdating sa fighting for love, so, since wala pa ako sa level na ’yun, marami pa akong gustong gawin, siguro for now, sacrifice na lang muna,” she said.

Say pa ng dalaga ni Sharon Cuneta, right now, she’s taking her time to enjoy her single blessedness.

“Yeah, parang sa lahat ng pinagdaanan ko rin, parang I just want to have fun, I just want to see the world a bit more.”

May communication pa rin naman daw sila, friends pa rin sila at medyo malalim na rin naman daw ang friendship nila. Kung makapaghihintay daw si Pierre until the time comes na ready na siya, tingnan daw natin.

“True love waits. So, kung talagang true ’yung love niya at makarating ako sa level na ready na ako and nandiyan pa rin siya, mabait naman siyang tao and napaka-disente ng pamilya niya. Mahal na mahal ko ang pamilya niya and mahal din nila ako, so we’ll see. But for now, maganda ’yung friendship namin, nag-uusap pa rin kami.”

Open ba siya for other suitors right now?

“Yes pero again, hindi ako ready na maging sobrang serious. Kailangan ko munang pagdaanan like every girl should, ’yung pagiging single, pagiging happy.

“Kasi, ’pag tumalon ka to a serious relationship again, parang maraming risks, so kailangan, buo ka muna.”

Bukod sa bagong endorsement niyang ito, may mga naka-line-up ding mga bagong projects for KC na aniya ay hindi pa niya puwedeng sabihin ang iba. She’s still very much with ABS-CBN, kapipirma lang daw niya ng kontrata sa network and muli siyang mapapanood sa drama series na Against All Odds.

At this point, someone asked KC kung in speaking terms na ba sila ng ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual lalo pa nga’t nagkikita naman sila sa ASAP 18 at say ng aktres, ayaw na raw muna niyang sagutin ito.

“I’ll  just take after Anne Hathaway,” she said with a short laugh and then walked away from the interview.

In fairness, nakangiti at maayos naman siyang umalis kaya hindi naman masasabing nag-walk-out  siya. ’Yun nga lang, natapos na ang interbyuhan after someone mentioned Piolo’s  name.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats