Krista Miller denies being ‘the other woman’ of Cesar Montano

February 28, 2013





Finally ay nagsalita na rin ang itinuturong third party sa pagsasama nina Cesar Montano at Sunshine Cruz at diumano’y siyang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, si Krista Miller na kasama rin ng aktor sa pelikula niyang Alfredo S. Lim: The Untold Story.

Sa exclusive interview ni Krista sa The Buzz aired last Sunday, nilinaw ni Krista ang mga kontrobersiya at mariing itinanggi ang mga paratang sa kanya partikular na ang pagkakaroon ng relasyon kay Cesar.

Ayon kay Krista, ni hindi raw nanliligaw sa kanya ang aktor/director at hindi rin daw ito ang tipo niyang lalaki. Kaya sobrang nagulat daw siya na bigla na lang lumitaw ang isyu na diumano nga’y may relasyon sila.

“Actually, hindi po ako ang unang nakaalam. ’Yung family ko, friends ko, tinawagan nila ako about sa Instagram war na sinasabi nila. Totally, blangko po akong talaga. Wala akong kaalam-alam sa ibinabato nila sa akin sa Instagram,” sabi ni Krista.

Nilinaw niya ang tungkol sa iphone 5, chocolate at t-shirt na diumano’y bigay ni Cesar.

“Tito Boy, I have more than five suitors na puwedeng magbigay sa akin ng mga ganoong regalo. Pero may pera ako, kaya kong bumili.  At saka, hindi ko hahayaan ang sarili ko na pababain ang sarili ko dahil lang sa iPhone 5, yun lang po,” paglilinaw niya.

Hindi rin daw siya nagte-text kay Cesar and vice versa. Unang-una raw ay hindi niya alam ang number nito at ang nagte-text daw sa kanya ng kanyang call time sa shooting ay ang tinatawag niyang Kuya Danny.

Hindi rin daw totoo ang paratang sa kanya ni Sunshine na nagpapadala siya ng mga provocative pictures and messages kay Cesar.

“Tito Boy, hindi ko po ugaling mag-send ng picture lalo na kung walang dahilan. Ngayon po, kung may nakita po sila na sinasabing picture ko, wala po akong kinalaman dun. Hindi po ako nagpapadala ng kahit anong picture at any provocative messages kay Direk Cesar.”

Ayon pa kay Krista, alam daw niyang may asawang tao si Cesar at iginagalang niya ’yun.

“He’s my director, I respect him. He loves his family. Hindi po para bigyan niya ako ng motibo. Alam kong pamilyado rin siyang tao para magbigay ako ng motibo sa kanya. Ginagalang ko po siya,” she said.

Aminado rin ang baguhang aktres na mabigat ang akusasyon sa kanyang kabit at homewrecker at talaga raw sumama ang loob niya sa mga paratang na ito.

“Natural po, nagalit ako. Sumama ang loob ko. Sumama ang loob ko, oo, inisip kong mabuti, inintindi kong mabuti. Inunawa ko siya. Dapat ba akong magalit? I mean, ako. Kay Sunshine, kay Cesar. Sa mga tao. Dapat ba akong magalit?

“Tinanong ko ang sarili ko kung dapat ba akong magalit. Hindi, e. Kasi, walang katotohanan ang lahat Sumama lang po ang loob ko dahil sa ibinabato nila sa akin at sinasabi sa akin na hindi ko alam kung saan nila napupulot ang impormasyon. Ultimo pamilya ko, nadadamay na,” say pa ng controversial starlet.

Pero aniya ay isang malaking challenge raw ito sa kanya at hinding hindi raw ito magiging dahilan para sumuko sa pangarap niyang maging artista.

“Para sa sarili ko, ginusto ko ‘to, pangarap ko ’to.  Alam kong itong inaakusa nila sa akin, hindi pa ito matatapos.At alam kong hindi magtatapos dito kasi showbiz, magulo ’yan. Tanggap ko ’yan.

“Pinasok ko ’to, kaya tanggapin ko ang lahat ng pagsubok. Pangarap ko ’to.Basta ako, kung ano ang pangarap ko, doon na lang ako,” she said.







Advertisers




Advertiser



Comments

Got something to say?






View My Stats