Annabelle Rama finally ends contract with Heart Evangelista

November 5, 2010

TULUYAN nang tinuldukan ni Annabelle Rama ang pagma-manage sa career ni Heart Eva-ngelista.

Guest last Sunday sa Paparazzi ang mother ni Ruffa Gutierrez, na may mahigit 20 artistang mina-manage, tulad nina Richard, Raymond at Ruffa, JC de Vera, Miriam Quiambao, Danica Paner, Arci Muñoz, TJ Natividad, Pops Fernandez, at iba pa. Inalis na raw niya sa kanyang listahan ang pangalang Heart.

Say ni Tita Annabelle, wala na siyang pakialam sa career ni Heart at tatapusin na lang ng young actress ang kontrata nito sa kanya hanggang 2011.

Kuwento ng mother ni Ruffa sa Paparazzi, masyado raw nakikialam ang ina ni Heart sa career nito.

After daw ng huling teleserye ni Heart sa GMA7, nagtanong si Mrs. Ongpauco (mother ni Heart) kung ano ang susunod na project ng kanyang anak. Kaya ang ginawa ni Tita Annabelle, nakipag-usap sa Siyete na hindi naman siya nabigo dahil may nai-close siyang bagong project para sa dalaga.

Sinabi niya sa mother ni Heart ang nakuhang bagong project para sa anak, pati na ang muling pagpirma ng young actress ng another three years sa Kapuso Network.

Hindi raw agad sumagot si Mrs. Ongpauco, at nang muli silang magkausap, sinabi ng mother ni Heart na one year na lang daw ang pipirmahang kontrata nito sa kanya, na ikinagulat ni Tita Annabelle.

Sumama tuloy ang loob ng ina ni Ruffa kaya nagdesis-yon itong tapusin na lang daw ang natitirang isang taon sa kontrata ni Heart sa kanya.

Binanggit din ni Tita Annabelle na hindi 30 percent ang nakukuha niyang komis-yon sa dating alaga kundi 15 percent lang. Halos wala na nga raw na-titira sa porsi-yentong kanyang nakukuha niya dahil doon din niya kinukuha ang ginagastos na pang-publicity para mapag-usapan si Heart, pati ang pang-pictorial, kaya minsan, nagagamit din niya ang sariling pera.

Tanong pa ni kay Tita Annabelle, nasaan daw ba si Heart noon nu’ng umalis ito sa ABS-CBN?

“Sa akin lang naman gumanda ang career niya, ah. Sa Asero, ’di ba’t pinag-usapan siya. Sumikat siya nang husto sa mga project na naibibigay ko sa kanya. Bakit nu’ng nasa kabila ba siyang istasyon, pinag-uusapan ba ang teleserye niyang Hiram na Mukha? Wala naman, ah,” kuwento ni Tita Annabelle.

Huling hirit ni Tita Annabelle, hindi na raw siya ma-kikipag-usap kina Heart at kung ano ang nakasaad sa kontratang pinirmahan noon ng mga Ongpauco kailangang tapusin.

“May natitira pa siyang kontrata sa akin na isang taon, tapusin na lang niya ‘yun hanggang 2011. Ayoko na silang makausap pa. Wala na kaming dapat pag-usapan pa.”

* * *

HINDI rin napigilan ni Tita Annabelle na ibuko kung sino ang bagong napupusuan ng kanyang unica hijang si Ruffa Gutierrez.

Ayon kay Tita Annabelle, “Eduardo” ang pangalan ng bagong lalaki na malapit sa puso ni Ruffa ngayon. Nag-blush si Ruffa nang banggitin ng ina ang pangalan ng lalaki.

Sa tanong ng co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi na sina Nanay Cristy Fermin at Dolly Ann Carvajal kung boto ba siya sa guy na nali-link nga-yon sa anak, aniya: “Sa akin naman, kung mahal nila ang anak ko lalo na ang mga anak niya (Ruffa), walang problema.”

Tinanong din ito kung totoo bang tumatawag si John Lloyd Cruz kay Ruffa na itinatanggi ng dyowa ni Shaina Magdayao, at kung bakit hindi raw siya nakikialam isyung Ruffa at John Lloyd.

“Kaya naman niya, eh. Saka siguro, busy siguro ako noon, lalung-lalo na sa amin ni Heart.”

Pag-amin ni Annabelle Rama, kinontra ni Ruffa Gutierrez

July 7, 2009

’Kaaliw ang bagong reaksyon ni Annabelle Rama sa romansang John Lloyd Cruz at Ruffa Gutierrez.

Kung dati ay tutol na tutol siya, ngayon ay buong puso na niyang ibinibigay ang kanyang blessing sa dalawa.

“Wala na akong magawa, ang bandila ng Bisaya, binaba ko na. Pati paa ko at kamay ko, itataas ko na rin,” sabi ni Annabelle sa Ruffa and Ai last Monday, na talagang ikinatawa namin nang husto.

Diretsahan ding sinabi ni Annabelle na napakatapang ni Lloydie para ligawan ang anak niya.

“Payo ko lang kay John Lloyd, ‘Dong, napakatapang mo na ligawan mo si Ruffa, diyan ako bilib sa ’yo. Maski ayaw ko sa iyo, ang kulit-kulit mo kay Ruffa, okay na rin ako sa ’yo, Dong,” say pa ni Bisaya.

Ikinagulat naman ni Ruffa ang statement ng ina at napa-‘Oh my God, Ma!’ na lang siya.

Read more>>

Annabelle on John Lloyd: Kung love niya si Ruffa, aminin niya

June 14, 2009

ANNABELLE Rama wants to make it clear that she doesn’t have anything personal against John Lloyd Cruz. She was supposed to guest in the showbiz talk show, “Startalk” to clear this up but Ruffa Gutierrez’s kids, Lorin and Venice, who behave like older kids and not 5 and 4 years old, stopped her from doing so.

“I don’t say na ayoko sa kanya kasi mabait naman siya at hindi gaya nung isang na-link kay Ruffa na PG o pataygutom,” says Annabelle. “Single siya, maganda’ng trabaho. Ang ayoko lang, yung dinenay niya si Ruffa nang interbyuhin siya. Bakit? Kinahihiya ba niya ang anak ko? O natatakot siyang masira ang career niya kaya gusto niyang itago? E, bakit si Liz Uy?

Di naman niya itinago ang relasyon nila, di ba? Ba’t hindi niya gawin ang ganun kay Ruffa? Kung love niya talaga si Ruffa, di aminin niya at dapat maging proud siya rito. Siempre ako, bilang ina ni Ruffa, nasasaktan sa treatment sa kanya ni John Lloyd.”

Read more>>

GMA-7, ’di takot kay Annabelle Rama – Wilma

August 28, 2008

PINALIPAS muna ni Wilma Galvante, SVP for TV Entertainment ng GMA Network ang Let’s Celebrate! Birthday Blowout nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bago ilatag sa press ang saloobin niya sa mga nababalita at nasusulat sa kanila ni Annabelle Rama. Bago sagutin ang mga tanong ng press, ipinaabot muna nito ang congratulations sa box-office success ng pelikulang For the First Time nina Richard Gutierrez at KC Concepcion at masaya ring ibinalitang successful ang birthday special nina Dingdong at Marian.

More of a Q&A ang pagharap ni Wilma sa press, sinagot nito ang mga tanong at nagpapaliwanag kung kinakailangan.

Ano ang mangyayari sa future relationship ng GMA-7 kay Annabelle, being a talent manager at supplier ng talent?

Read more>>

Annabelle Rama galit kay Pokwang

June 20, 2008

Usap-usapan sa showbiz ang galit ni Annabelle Rama kay Pokwang dahil sa ginawang pang-ookray ng komedyana kay Raymond Gutierrez sa show nila ni Pooh last Friday sa Music Museum na Poohkwang.

Maselan ang joke ni Pokwang dahil may kinalaman sa gender, kaya as expected, nagalit si Tita Annabelle, na noon pa’y talagang kilala sa pagtatanggol sa kanyang pamilya.

Sa galit diumano ni Annabelle ay pinatatanggal pa niya si Pokwang sa movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Star Cinema.

Sa presscon ng Tanging Ai-Ai…In Concert ni Ai-Ai de las Alas last Wednesday night, natanong ang Comedy Concert Queen kung ano ang opinyon niya sa ginawa ni Pokwang since iniidolo siya ng komedyana at pareho sila halos ng istilo sa pagso-show.

Read more>>

Anne Curtis, Sam Milby almost ‘on’

May 8, 2008

WE’VE seen “When Love Begins” and the material about two very disparate persons who fall in love is something writer-director Joey Reyes has done before in many of his past films. Aga Muhlach has played the role of the problematic and carefree hero who has difficulty coping with the people and situations around him in “Bakit Labis Kitang Mahal” and “Kung Ako Na Lang Sana.”

This time, it’s the  leading lady, Anne Curtis, who has that kind of attitude  and Anne does it exceedingly well. She has the insouciance of a bratty and impulsive girl  and she is totally convincing in the flippant way she delivers her lines casually, like when she tells Aga “Sosyal ako!”, “You can kiss me” or “I’ll see you when I want to because I decide.”

Read more>>

Love scenes with Richard, gagawin ni KC Concepcion para sa fans

May 5, 2008

Plantsado at sigurado na ang gagawing pelikula nina KC Concepcion at Richard Gutierrez.

Recently, pumirma si Richard ng one picture contract sa Star Cinema kasama ang isang legal consel ng GMA-7 at ang inang si Annabelle Rama.

Ngayon pa lang, alam naming full blast ang magi-ging suporta ng Dos sa pelikulang  ito, at siyempre, magi-ging super-mega blockbuster pa ito. Sa panayam sa actress-singer, hindi man kinumpirma ni KC kung totoo ngang may kissing scenes at love scenes sila ni Richard, sinabi naman ng dalaga na gagawin nila ang lahat para maibigay ang gustong mapanood ng mga tao.

Read more>>

Next Page »