Show ni Claudine Barretto ‘di totoong tsugi na
July 1, 2010
NILINAW ng GMA Corporate Communications Department ang balitang ku-malat na matsu-tsugi na ang weekly drama anthology ni Claudine Barretto na Claudine.
“It is not true that GMA 7’s weekly drama program Claudine has been cancelled. It will run until August, completing its 16 week season as ogirinally scheduled. Thereafter, Ms. Claudine Barretto will be busy preparing for her new soap in the Kapuso Network.
“We would like to assure the viewers and fans of Claudine that there is no truth to this rumor and also take this opportunity to invite them to watch the upcoming episodes every Sa-turday because they will de-finitely be pleased with the remarkable performances and stories we have lined up for them.”
Aminado ang network na kahit hindi bongga ang ratings ng Claudine. kuntento naman ang Kapuso management sa episodes na ginagawa ng staff para sa show. Hindi rin daw dahilan ang pagiging busy ni Claudine sa pelikulang In Your Eyes with Richard Gutierrez at Anne Curtis na joint venture ng GMA Films at Viva Films kung bakit ititigil na ang taping niya for Claudine. Katunayan, malapit nang matapos ang naturang movie.
Marami pa raw special guests na aabangan sa drama anthology ni Claudine at kasama sa line-up si Mark Anthony Fernandez.
Matagal nang okey ang dalawa at handa na nilang makatrabaho ang bawat isa.
Related News
Gretchen Barretto tinalbugan na si Claudine Barretto
June 18, 2010
TALK of the town pa rin si Gretchen Barretto, kahit sabihin pang may prior notice sa presscon ng Magkaribal, na mapapanood na sa June 28, na huwag na siyang magsalita about her issue with Angelica Panganiban. Matatandaang noong nakaraang ilang linggo ay nagkaroon ng word war sina Greta at Angelica dahil sa pagiging vocal ni Gretchen na mamimi-miss niya ang leading man niyang si Derek Ramsay, kapag nagbakasyon ito kasama ang nobya.
Natural na agad namang nag-react si Angelica, as in, hindi napigilan ng aktres na magtaray at tumaas ang kilay!
In fairness, behave na si La Greta sa presscon at talagang sinikap niyang tumahimik na lang tungkol sa mga isyung ipinupukol sa kanya.
Aniya, na-realize raw niyang sa sobrang pagiging playful at naughty niya, may mga nasasaktan na pala raw siya. Mas gusto na lang daw ni Gretchen ang tumahimik ngayon.
Hmmm… ganoon? Hindi kami sanay, huh!
Isang fashion-serye ang Magkaribal, na tatalakay sa buhay ng magkapatid na nagkahiwalay na eventually, nagtagpong muli para lang maging magkaribal sa career at pag-ibig.
Tinanong agad si Gretchen kung sa tingin ba niya ay may masasabi siyang kari-bal sa totoong buhay?
“I’d rather see people as an inspiration and not as a competition,” parang beauty queen pang sagot ni Gretchen.
Dahil unang fashion-serye ito ng ABS-CBN, aminado ang direktor na si Nuel Naval na malaki ang budget na kinailangan nila for this project.
Aniya, very expensive raw ang production cost nito. Siyempre, pati damit, sapatos, bags ay kaila-ngang mamahalin ang ga-gamitin. Plus the fact na bigatin pa ang mga artistang kasama sa cast tulad nina Erich Gonzalez, Enchong De, Mark Gil , Robert Arevalo, Angel Aquino at iba pa.
Pero bongga si Greta, talagang sarili raw niyang mga gamit ang suot niya all throughout the taping.
“Wala namang pinapagamit sa akin ang production, eh,” say ni Greta.
Dahil rarampa sa runway si La Greta, puro signature at mamahaling gowns ang kanyang suot. Natural, hindi naman mapakali ang mga interesado kung sino ang designer ng suot na gowns ni Gretchen. Alangan man, pero inamin din niyang Prada at Balenciaga ang suot niyang gowns na paborito niya. Pero hindi ibig sabihin nito, hindi na siya tumatangkilik ng gawang Pinoy. Say ni Greta, may Pinoy designers din siyang type, tulad nina Inno Sotto at Joji Lloren, na hinahangaan niya ang talent.
Usap-usapan din na ta-lagang tinalbugan na ni Gretchen ang kapatid ni-yang si Claudine Barretto na balitang hindi raw nag-rate ang show sa GMA7? Kalokah!
Ito kasi ang seryeng da-pat ay pagsasamahan nilang magkapatid, kaso lumipat si Clau sa Siyete, pero itinuloy pa rin ni Greta ang soap at si Bea nga ang kapalit. Abangan ang agawan, harapan at labanan nina Greta at Bea sa Magkari-bal on June 28, sa Primetime Bida ng Dos.
* * *
BACK to work na si Jomari Yllana kahit sabihin pang nagluluksa pa pa rin sila sa pagkamatay ng Kuya Robbie niya dahil sa kumplikasyon sa diabetes, a month ago. He keeps himself busy at heto nga, ibina-lita sa amin ng aktor na kasama siya sa Immortal at gaganap bilang ama ni John Lloyd Cruz. Lalabas daw si Jom sa dalawang unang linggo ng teleserye at isang linggo lang raw silang nag-taping sa Daranak Falls nu’ng kasagsagan ng summer. Bampira ang role dito ni Jom.
At bukod sa teleseryeng ito, lasama rin siya sa pelikula ni Direk Marilou Diaz-Abaya na Ina ( Virgin of Peñafrancia).
Sa panayam namin kay Jom, diretsahang sinabi ng aktor na hindi siya kukuha ng TF (talent fee) sa pelikula ni Direk Marilou dahil devotee ang pamilya nila ng Birhen ng Peñafrancia. Oo nga naman, may punto si Jom.
Siyempre, walang kupas pa rin ang pagiging concert producer ni Jomari kung saan ang sikat na singer na si Usher susunod na mapapanood sa Mall of Asia Concert Grounds on July 9.
Wala mang pagkakataon si Usher na mag-promote ng concert, sina Jom na ang bahala sa bagay na ito. Mag-kakaroon lang daw pala ng isang special para kay Usher sa Party Pilipinas ng GMA7, ang media partner nila. Big-time na talaga sina Jom at kaibigang Ronald Singson kasi bigating mga artista ang dinadala nila sa ’Pinas para mag-concert, huh!
Nabanggit din ng aktor na isa sa maipagmamalaki niya ay ‘yung naging episode nila ni Gretchen sa MMK kasi mataas daw ang naging rating nito.
Speaking of La Greta, na talagang dyosa ang dating sa kalalakihan, tinanong si Jom kung minsan ba ay nag-attempt siyang ligawan si Gretchen?
“May respeto ako sa Kuya ko!” maliksing sagot ni Jomari.
Related News
Judy Ann Santos, saludo sa paglipat ni Claudine Barretto
January 27, 2010
SA ginanap na bonggang presscon para sa Habang May Buhay series ni Judy Ann Santos sa Fernwood Gardens kamakalawa ng gabi, kitang-kita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng ABS-CBN sa aktres.
Sa audio visual presentation, pati na rin sa introduction kay Juday, tinawag nila itong “Undisputed Teleserye Queen” at “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”
“Sobrang nakaka-flatter. Iniisip ko nga kung totoo ba ’to,” pahayag ng aktres.
Eh, ano ba ang feeling niya sa bagong title na ibinigay?
“Sa totoo lang, hindi ako kumportable. Kasi ’pag merong ganito, mas tumitindi rin ang expectations ng tao, eh,” dagdag pa ni Juday.
Para sa kanya, hindi lang siya ang dapat tawaging “Teleserye Queen” o “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”
Related News
Judy Ann Santos rewarded to upset Claudine Barretto?
December 7, 2009
TO jumpstart ABS CBN’s celebration of its 60th year of showing soap operas on television, Judy Ann Santos, recently crowned soap opera queen by her mother station, will be launched as lead star in the drama series “Habang May Buhay.”
The title befits Juday achievements-wise, notwithstanding the fact that Juday also starred in projects that did not perform well in the box-office.
But what would Claudine Barretto say about this recent and well-deserved attempt to apparently build up Juday’s career?
Claudine herself had starred in soap operas while she was still with ABS-CBN and also perfectly fills the bill of soap opera queen for the Kapuso network if warranted.
Related News
Gretchen iniwan ni Claudine Barretto sa ere
December 2, 2009
NALULUNGKOT si Gretchen Barretto dahil feeling niya, wala nang pag-asang matuloy pa ang pagsasama nila ng kapatid na si Claudine Barretto sa isang series na ipu-produce ng ABS-CBN.
Not at this point when officially ay isa nang Kapuso si Claudine after signing a two-year contract with GMA-7.
Wala raw siyang ideya sa nabanggit na move ni Claudine, but she wishes her luck.
Gretchen is the recent awardee of the best actress trophy (in a single performance) sa katatapos na Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV.
Related News
Gretchen Barretto nanghinayang sa paglipat ni Claudine Barretto sa Siyete
December 1, 2009
FOR the first time ay nagwagi si Gretchen Barretto bilang Best Actress in a Single Performance sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya bilang babaing may asawa pero na-in-love sa isang mayor (played by Phillip Salvador) ng isang maliit na bayan.
Umaapaw ang kaligayahan ni La Greta nu’ng tanggapin niya ang award at talagang feel na feel ang pag-akyat niya sa stage ng Casino Filipino Grand Ballroom.
Maagang dumating si Gretchen sa venue ng pa-bulosang awards night, kasama ang mag-amang sina Tony Boy Cojuangco at Domi-nique.
Lumutang ang kagandahan ni Gretchen sa suot ni-yang all-white outfit.
Kahit hindi naka-gown ang aktres ay sosyal pa rin ang aura.
Related News
Pinoy version ng ‘Jewel in the Palace,’ gagawin ni Claudine Barretto
December 1, 2009
NaIsulat naming mala-Maalaala Mo Kaya ang show na gagawin ni Claudine Barretto sa GMA-7, pero ang latest na nabalitaan namin, Pinoy adaptation na raw ng Jewel in the Palace ang gagawin ng aktres sa Kapuso network.
Malaking project ang Jewel in the Palace mula sa story, cast at budget. Umabot sa 54 episodes ang Korean novela na pinagbidahan ni Lee Young Ae sa role ni Jang-geum at nagpakita ng kultura ng Korea, traditional medicine at Royal Court cuisine.
Ang suwerte ni Claudine kung sa kanya ibibigay ang project. Sa dami ng cast ng K-novela, puwede silang magkasama ng husband niyang si Raymart Santiago.












