Heart Evangelista ipinakilala na si Dennis Trillo sa pamilya
December 29, 2009
Ipinakilala na ni Heart Evangelista sa kanyang parents si Dennis Trillo nang bumisita ang aktor sa bahay ng aktres kamakai-lan.
Maganda naman daw ang naging paghaharap nina Dennis at mga magulang ni Heart.
Na-feel nga raw ni Dennis na welcome siya at walang resentment kahit pa alam ng mga magulang ni Heart na may “magandang intensiyon” siya sa kanilang anak.
Okey din umano ang naging paghaharap nila ng daddy ni Heart.
Maayos siyang kinausap at ayon mismo kay Heart ay maganda ang naging impression ng kanyang ama kay Dennis.
Read more>>
Related News
Echo & I had a very peaceful talk – Heart Evangelista
June 14, 2009
KAHAPON ay tumulak si Heart Evangelista patungong San Francisco, California, para sa isang promo activity ng GMA Pinoy TV. Kasama niyang bumiyahe ang inang si Cecile Ongpauco at isang matalik na non-showbiz friend.
Isang linggo ring mawawala sa bansa ang aktres at para makasiguro, nagpaturok silang mag-ina ng anti-flu at pneumonia vaccine.
Pagbalik, magse-self-quarantine rin sila gaya ng iba pang nangingibang bansa dahil sa kinatatakutang A H1NI virus.
Isang araw bago umalis, pormal na pumirma si Heart bilang bagong celebrity endorser ng Nisce Skin ’N Face at N2 Derm + clinic.
Related News
Heart Evangelista pinakasikat na alaga ni Anabelle Rama
January 25, 2009
SABI ni Annabelle Rama, si Heart Evangelista ang pinakasikat niyang alagang babae ngayon.
Bakit naman hindi, eh, consistent na top rater ang kanyang Luna Mystika.
No.1 sa anumang soap ng GMA 7 ang programa na palabas pagkatapos ng 24 Oras.
Maraming kasing nakaka-identify kay Heart bilang si Luna dahil bukod sa pangit siya, may boyfriend naman siyang ubod ng guwapo sa katauhan ni Mark Anthony Fernandez.
Kahit pangit ay may gi-nintuang puso siya. Pasensiyosa sa kapatid na ubod na makasarili, si Celestina.
Related News
Heart Evangelista Biography, Profile and Picture Gallery
November 15, 2008
Heart Evangelista is one of those people you love to hate, but you just can’t because she’s so nice! Pretty, perky, and positively charming are just some of the adjectives that come to mind when you see her. And when she speaks, you have to add “witty,” “smart,” and “eloquent” to your growing list.
Real Name: Love Marie Ongpauco
Birthday: February 14, 1986
Height: 5′1
Weight: 102 lbs
Color of eyes & hair: Dark brown
Special Skills and Hobbies: Singing, Acting, Dancing, Painting, and Badminton
Favorites
Color: Purple, Red, Yellow and Pink
Food: Chicken,Pasta
Activity: Rock Climbing
Actress: Meg Ryan, Jennifer Love Hewitt
Music: Christina Aguillera, Britney Spears, Mandy Moore
Childhood
Born on February 14, 1985 to parents Reynaldo and Cecilia Ongpauco, Heart is the youngest in her family, with one brother and four sisters. She grew up and studied in the United States. Her family moved back to the Philippines in her late teen years. She spent her high school years at the Colegio San Agustin, Makati.
Related News
Pictures of Heart Evangelista with her new BF
November 15, 2008
Heart Evangelista enjoying the beach with her new boyfriend Francisco Delgado. Poor Echo!!!
Related News
Jericho Rosales ’di na guguluhin si Heart Evangelista
November 14, 2008
Sa grand preskon ng GMA-7 telefantasya na Luna Mystika, inamin ni Heart Evangelista na may non-showbiz boyfriend na siya named Francisco “Kiko” Delgado.
Which means, tipong naka-move-on na siya sa breakup nila ni Jericho Rosales.
Sa preskon naman ng pelikulang Baler, Viva Films entry sa 2008 Metro Manila Film Festival starring Jericho Rosales and Anne Curtis, tinanong namin si Echo kung alam niyang may boyfriend na ngayon si Heart?
“Okay lang. Narinig ko na nga po ’yon, eh.”
No hurt feelings? O you’re in denial lang?
Related News
Jericho Rosales ipinagpalit ni Heart Evangelista sa matanda
November 14, 2008
Panalo na naman ang GMA sa pinakabago nilang telepantasya na Luna Mystika. Kamangha-mangha kasi ang istorya nito.
Saan ka naman makakakita na ipinanganak na may kakambal na isang anino?
Yes, dual role si Heart Evangelista dito, bilang si Luna na nagmana ng kapangitan sa amang si Ariel Rivera na pinaghihinalaan na isang engkanto.
Siya rin si Celestina ang kakambal na anino ni Luna na nagiging isang magandang binibini tuwing sasapit ang gabi.
Sa totoo lang, lalong nag-shine si Heart nga-yong nasa GMA na siya dahil binibigyan siya ng magagandang projects ng network kaya bumalik na naman siya sa A-list ng mga celebrities natin.















