Heart Evangelista signs another contract with GMA 7

October 19, 2011

GAYA ng nakaraang taon, muling dinagsa ng mga taga-Bacolod ang Kapuso Masskara Festival celebration na ginanap sa City of Smiles nitong nagdaang linggo.

Hindi mahulugang-karayom ang entertainment center ng SM City Bacolod kung saan nagtanghal ang ilang Kapuso stars sa pangunguna ng tweenstars na sina Joyce Ching at Kristoffer Martin, Amaya cast na sina Sid Lucero, Roxanne Barcelo, Dion Ignacio, Glaiza de Castro at si Heart Evangelista, bida ng malapit nang simulan na primetime seryeng Legacy.

Dumadagundong na palakpakan, hiyawan at tilian ang sumalubong sa grupo nina Joyce at Kristoffer, patunay lamang na masusing sinusubaybayan ng mga taga-Bacolod ang kanilang mga programa sa GMA-7.

Sa mini-interview na ginawa sa Piettro Kaffe bago ang Kapuso Night show, sinabi ni Heart na bukas, October 20, na nakatakdang gawin ang storycon ng Legacy, kung saan makakasama niya sina Lovi Poe, Solenn Heussaff at dating perennial screen partner Geoff Eigenmann.

Tapos na pala ang unang tatlong taon na kontratang pinirmahan ng aktres as GMA-7, pero nag-renew sila ng inang manager na si Cecile Ongpauco for another two years.

So far daw, masaya naman si Heart sa pagiging Kapuso dahil napaka-generous ng home network sa pagbibigay ng magagandang assignment gaya ng Legacy.

Nang intrigahin na baka umiwas sa kanya kaya hindi sumama ang Amaya lead star na si Marian Rivera sa Kapuso Masskara celebration, sey ni Heart, “I don’t think so.”

Matatandaang sa ginawang thanksgiving presscon ng Amaya kamakailan para sa pagkaka-extend nito hanggang Enero 2012, tumanggi si Marian na pag-usapan ang naging isyu sa kanila ni Heart dahil sa BF na si Dingdong Dantes.

Ang reaksyon ni Heart? “Maganda na rin po iyung ganu’n para quiet na.”

Heart Evangelista is thinking of leaving GMA-7

September 11, 2011

ANYTIME soon ay kakausapin ng kampo ni Heart Evangelista si Atty. Felipe Gozun ng GMA-7 para alamin kung may plano pa ba sa aktres ang TV network o puwede na siyang magpa-release dito.

Hanggang 2012 pa ang pinirmahang guaranteed contract ni Heart sa GMA-7 pero ayon sa nakausap naming malapit sa aktres, hindi siya after sa perang ibinabayad sa kanya na bahagi ng kontratang pinirmahan. Ang importante daw sa dalaga ay ’yung meron siyang ginagawa.

“Gusto niyang magtrabaho. Hindi siya masaya na binabayaran siya ng network na hindi siya nagtatrabaho,” pagdidiin niya.

Nang makausap namin si Heart, ganito rin ang kanyang sentemiyento.

“I love to work, eh.  Hindi ako masaya na wala akong ginagawa, na hindi ako umaarte or nagte-taping. Ito na kasi ’yung mundong kinagisnan ko kaya hinahanap-hanap ko talaga ito,” paliwanag ni Heart.

May nag-advice naman kay Heart na siya na mismo ang personal na mag-punta sa opisina ni Atty. Felipe Gozun para ipaalam ang kanyang concerns at mag-request na rin ng release paper.

Pero pag-iisipan raw muna ito ng kampo ni Heart. Ayaw nilang maging pabigla-bigla sa pagde-desisyon.

Anyway, mainit ang naging pagtanggap ng ilang mga Kapamilya stars kay Heart nu’ng dumalo ito sa nakaraang Star Magic Ball sa Manila Pen.

“Sobrang wam ng pagtanggap nila sa akin, pati nu’ng ibang mga bosses doon. Hindi ko naramdaman na outcasted ako. Parang tulad pa rin ng dati. Parang mga kapamilya ko pa rin sila,” tsika pa niya.

Nilinaw naman agad ni Heart na walang offer sa kanya ang ABS-CBN. But if given the chance, she would love to work again sa dating network na pinanggalingan niya.

Marian Rivera avoids talks about tiff with Sam Pinto, Heart Evangelista

July 12, 2011

WHAT can Marian Rivera say that she’s just no. 2 to Sam Pinto as FHM’s Sexiest Woman and Sam said she snubs (dedma) her after Sam was linked to Dingdong Dantes? “Okay lang na no. 2 ako,” she says. “Nag-no. 1 naman ako noon without even posing for them. As for that dedma thing, I won’t say anything na lang dahil palalakihin na naman, the same way na don’t also ask me anything about the other issue (her tiff with Heart Evangelista) dahil as far as I’m concerned, nasabi ko na ang gusto ko. Palabas na ang movie namin at thankful ako’ng hit ito.”

It’s said she won’t do a movie with Robin Padilla but with Aga Muhlach. “Sa totoo lang, mas nauuna pang malaman ‘yan ng press than me. I’ve never been officially informed, so wala akong masasabi tungkol dyan. Pag nag-shoot o presscon na, then may kuwento na ako.”

If you’d see Marian now, she has a reddish swelling on one cheek. “Nakagat kasi ako ng insect sa set ng ‘Amaya.’ Last week pa ‘yang insect bite na yan but namamaga pa rin. Di lang ako’ng nakagat, si Sid Lucero din. A bee bit him so they called a doctor to prevent allergic reaction. Nagpa-pest control na nga ang staff para mabawasan ang insects sa set.”

Heart Evangelista ‘stabbed at the back’ by Marian Rivera

June 25, 2011

“Pinalaki ako ng lola ko na may respeto sa mas nakatatanda sa akin,” humihikbing wika ni Marian Ri-vera sa bonggang presscon ng Temptation Island na prinodyus ni Mother Lily under Regal Entertainment at ng GMA Films.

Actually, iwas nang iwas si Marian na sagutin ang anumang tanong tungkol sa diumano’y issue against her and Heart Evangelista (kung saan involved ang mommy ng huli).

Lumalabas na akala ni Heart ay siya diumano ang pinag-uusapan nina Marian at Lovi Poe at ikinairita itong isinumbong niya sa kanyang mommy. Iyon nga, tinarayan diumano ng mommy ni Heart si Marian at humantong pa ito sa pag-hire ng mga PSG the next day para hindi malapitan ni Marian si Heart saan man sila magkita.

Inamin din ni Marian na siya mismo ang nag-suggest kay Mother Lily na kunin si Heart para makasama nila sa bongga at pinag-uusapang remake ng obra ng yumaong direk Joey Gosiengfiao.

Hindi naman daw siya nagsisi sa pagkakarekomenda kay Heart dahil noong makasama niya ito sa GMA naging close sila.

“Kaya nga hindi ko akalain na gagawin nila ‘yun sa akin. Nanghihinayang lang ako dahil, maganda ang naging samahan namin noong una. Akala ko, kaibigan ko siya. Malinaw na may nangyari, pero, parang wala na sana iyon. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito.”

Nang mahimasmasan, nagbiro na si Marian: “Mag-ha-hire na rin ako next time ng isang dosenang bakla na magiging bodyguards ko para magbantay sa akin. Magiging masaya pa.

Heart Evangelista’s mom made Marian Rivera cry

June 14, 2011

RAYMOND Gutierrez revealed in “Showbiz Central” last Sunday that two stars of “Temptation
Island” are currently feuding while shooting the film’s remaining scenes in Paoay, Ilocos Norte. This was first reported as a blind item but Raymond named them: Marian Rivera and Heart Evangelista. Heart quickly denied this on Twitter, saying: “Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, wag na tayo mag-away-away.”

But looks like ther rift is far from over. Although Heart sounds conciliatory on Twitter, it seems her mom is joining the fray and is very hostile to Marian. Upon their arrival at the airport in Manila last Monday, Marian humbled herself and was about to approach to say goodbye but Heart’s mom, who came to fetch her, reportedly barked at Marian: “Stay away from my daughter!” She said some bad things about Marian that made the star of “Amaya” cry.

If Heart’s mom did this to a talent of Annabelle Rama, we’re sure they will not hear the end of it as the feisty ex-manager of Heart will surely raise hell. Marian’s manager is the less combative Popoy Caritativo. But Popoy once got peeved also and locked horns with the manager of Jennylyn Mercado at the height of her feud with ex-BF Dennis Trillo. Let’s see how Popoy will react now that it’s his hottest property, Marian no less, who figures in an ugly conflict with Heart’s mom.

Someone with the group told us Heart really has reason to feel insecure about Marian. “Kasi, kahit saan magpunta ang cast ng ‘Temptation Island’, si Marian talaga ang mas pinagkakaguluhan,” says our source. “Maski sa airport pa lang, may grupo ng basketball players na nakasabay sila, si Marian talaga ang pinagkalipumpunan para magpa-picture. Pero okay na ring may away among the cast members para mas umingay ang pelikula. O ayan, mas pinag-uusapan ngayon ang ‘Temptation Island’ at makakatulong yan sa promo nito.”

The movie is due for release on July 6 and they’ll have a big presscon soon. Let’s see what Marian and Heart have to say about this.

Heart Evangelista shares doubts about project with Jericho Rosales

May 27, 2011

FILM mogul Mother Lily Monteverde just signed up Heart Evangelista to a two-year contract. “Although she already won an award for our ‘Mano Po 6’ and she’s in ‘Temptation Island’, it’s only now that she becomes officially a Regal baby,” says Madera. “My daughter Roselle and I were so impressed with her professionalism in ‘Temptation Island’ kasi location is far, mainit ang desert, and she’s not feeling well, shoot pa rin siya without complaints. And she’s perfect as the virginal Virginia originally played by Dina Bonnevie. We now have big plans for her.”

But it’s said Viva is now managing her? “Yung sa Viva, sa endorsements ko lang,” Heart says.

Since her BF Daniel Matsunaga is now also with Regal, Madera wants them to star in a love triangle drama with Heart’s ex, Jericho Rosales. “I already have a title, ‘Love, Must We Say Goodbye.’ O di ba ang ganda? Pag natuloy ito, it’ll be as big a hit as the films Vilma Santos and Nora Aunor did for us in their heydays.”

But Heart has reservations about doing the film. “Okay lang with Daniel but yung isa…”

Is she afraid she might discover she still has feelings for Echo? “No. Definitely none. But ang mga intriga.”

“This is the best time for you to show that you’ve moved on,” says Madera. “You’ll all do the film just as professionals. Trabaho lang. This will make you a real big box office star.”

Is she worried Daniel won’t agree? “I don’t really know. Let me think it over muna, Mother. Everything will just fall into place when the right time comes.

“Let’s see. We’ll pray over it muna.”

Jennylyn Mercado not insecure with Heart Evangelista.

December 13, 2010

ISN’T Jennylyn Mercado worried that her beau Dennis Trillo might stray now that he’s doing “Dwarfina” with his original crush, Heart Evangelista?

“Naku, wala akong ganyang insecurity as we trust each other,” she says at the grand presscon of her filmfest entry, “Rosario.” “And everyone knows na Heart is now on with Daniel (Matsunaga) kaya wag nyo na sila gawaan ng intriga.

Bihira kaming magkasama ni Dennis ngayon kasi busy siya sa taping at ganun din ako sa taping ko for ‘Little Star’. Buti nga magkasama kami ngayon sa promo ng ‘Rosario.’ But even if we don’t see each other frequently, very smooth sailing ang relasyon namin. Wala kaming conflicts kaya masaya kami pareho. Basta we have free time, lumalabas kaming magkasama.”

She’s proud to play the title role in “Rosario.” “It’s very challenging as she’s a real life character, lola ni Mr. Manny Pangilinan na boss ng TV5 at naging Carnival Queen noong 1920s. She’s a woman ahead of her time na married to Yul Servo but had an affair with Dennis in the story. For this, she was ostracized by society.

Maraming demanding dramatic scenes sa movie and I hope with the help of our director, Albert Martinez, I’m able to give justice to all of them. I want to thank GMA naman kasi they agreed na i-promote namin ni Dennis sa GMA shows ang ‘Rosario’, kahit Studio 5 ang producer nito.”
Produced at a cost of P50 million, also in the cast are Phillip Salvador, Isabel Oli, Sid Lucero, Ricky Davao, Ara Mina, Eula Valdes, Empress Schuck, Liza Lorena, Chanda Romero, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Desiree del Valle, Lloyd Samartino, Precious Quigaman, Ronaldo Valdez, Liezl Martinez, Bing Loyzaga, Dino Guevarra, Dino Imperial, and Dolphy in a special participation as the grandson of Rosario who acts as the narrator. What can Jen say about predictions that she’ll win the filmfest best actress award? “Sana nga, but I don’t want to expect kasi nakaka-pressure. When I did the film, walang ganun sa isip ko. I’m just happy to have done a film na ganito kaganda so I fully cooperated with Direk Albert and did whatever he asked me to do.”

Next Page »