Kim Chui hindi nasulot ni Sam Milby kay Gerald Anderson
April 6, 2008
Now it can be told, never daw na kinonsider si Sam Mil-by sa Tagalog adaptation ng Koreanovela na My Girl. Kasi, may nakatakda na raw gawin si Sam na bagong teleserye after Maging Sino Ka Man. Ito ‘yung Diosa ni Anne Curtis.
Si Gerald Anderson daw talaga ang nasa isip ng production na magiging kapa-reha ni Kim Chui para sa My Girl.
Nagkataon lang na hindi nila kaagad na-announce ‘yun kaya nagkaroon tuloy ng maraming haka-haka tungkol sa magiging possible na new partner ni Kim.
Nadawit ang pangalan ni Sam, kasi nabanggit ni Kim sa isang interbyu na si Sam daw ang gusto niyang maging kapareha kung sakaling bi-bigyan siya ng bagong partner sa My Girl. At nagkaroon ng malaking clamor para dito sa internet.













