Angelica Panganiban describes Kris Aquino as a very loyal friend

December 12, 2011

Third-time Best Comedy Actress winner Angelica Panganiban was initially recognized in the field of comedy with her incredible impersonation of Queen of All Media Kris Aquino. But she never expected that they’d be good friends as they worked together for the first time in Star Cinema’s official Metro Manila Film Fest entry, Segunda Mano.  “Super tight [na kami]. Nakakatuwa. Sabi ko nga, ang sarap ng feeling na nakilala mo siya bilang tao, hindi yung bilang Kris Aquino na kapatid ng presidente [ng Pilipinas], anak ng isang hero, [at] hindi lang yung Kris na sikat na sikat,” she said in her live interview with The Buzz, Sunday, December 11.

Asked what she loves most about Kris, Angelica shared that she really felt the actress-host’s sincerity and concern towards her. “Kaibigan talaga siya. Ang loyal niya. Tsaka kapag nagkwento siya ang dami niyang opinyon. Siguro more on ate [yung tingin ko sa kanya]. Nilu-look up ko siya bilang matandang kapatid kasi ganon siya mag-advice. Tapos sobra siyang strict. Tsini-check niya kung, ‘nakapagpa-foot spa ka na?’ Umaabot na kami sa ganon.”

Instead of being pressured with their upcoming movie, Angelica related that shooting Segunda Mano with Kris was more of a bonding time for them. “Masaya, para kaming ‘di nagwo-work. Tsikahan lang kami ng tsikahan. Hindi ko nga naramdaman na gumawa kami ng movie. Para lang kaming nag-hangout.” She added that Kris was very disciplined though when it comes to work. As it is, the Queen of All Media is known for being punctual and a stickler for time. “Masaya kasi ayaw niyang napupuyat. So ang bilis bilis ng work namin. Kapag 12 midnight na, [magaaya na siya] ‘Tara na… Dali na gusto ko na umuwi.’ So happy ako, sabi ko, ‘Oo nga…’”

As for Angelica, she admitted that she has few girl friends and is very loyal to the people close to her as well. “Konti lang yung mga friends ko na babae. Kung hindi babae o kaya babaeng bakla. Kasi boyish ako siguro talaga. Minsan naaartehan ako sa mga babae, masyadong pa-sweet. Gusto ko masaya lang, chill lang.”

Although Angelica often gets caught up with intrigues, many of her friends like John Prats, Pokwang and Melai Cantiveros can attest to the goodness of her heart. To which she simply replied, “Siguro kasi hindi ako madamot sa kaibigan. Kung anong nararamdaman ko gusto ko nararamdaman nila. Gusto ko kung anong happiness at blessing na meron ako, gusto ko pare-parehas kaming meron para sabay-sabay yung happiness.”

Together with Kris Aquino and Dingdong Dantes, catch Angelica Panganiban on Segunda Mano, showing in theaters on December 25.

Kris Aquino scared to love again

October 24, 2011

Nilinaw ni Kris Aquino last Sunday sa The Buzz na walang kinalaman ang kapatid niyang si Pres. Noynoy Aquino sa kanyang appointment bilang honorary patron ng United Nations High Commission for Refugees.

“Kasi merong mga nag-iisip na in-appoint niya (P-Noy) ’yung sarili niyang kapatid. Nanggaling talaga sa United Nations ’to, meaning sa Switzerland mismo sila ang nagpasya,” sey ni Kris.

Dagdag pa ni Kris sa host na si Boy Abunda na siyang nag-i-interview sa kanya, “alam mo ang tagal-tagal ng prosesong pinagdaanan natin for this. Tapos we heard na nothing from them so tayong dalawa, nanahimik na lang.”

Sinegundahan naman ni Kuya Boy ang pahayag ni Kris at say niya, “tama ’yun, June of 2010 tayo nagsimulang mag-usap.”

Ni-recall din ni Kuya Boy na that time nga ay may nabasa pa raw sila na isa sa requirements ay dapat wala siyang any political affiliations.

“Yes, na-bring up ko ’yun,” pagsang-ayon ni Kris, “sinabi ko where my brother is at right now and imposible naman na ‘di ka magpapakita ng political color. Pero ang tinanong lang nila is do you have an intention to run in 2013?”

Kaya naman tinanong ni Kuya Boy si Kris nang deretsahan kung ma plano ba ang Queen of of all Media na tumakbo sa 2013 bilang gobernador ng Tarlac o ’di kaya’y senador.

“Inisip ko naman, imposible na ’di ko i-entertain ang thought ng politika sometime in the future. But sa 2013 categorical talaga because this appointment is two years, so ’di lang naman karangalan ko lang, kundi pati sa buong bansa na ayokong maliitin.

“Ang simula dito ay those who are displaced by acts of war and acts of violence and it is still happening sa Mindanao. So, sana. Sinabi nila na aayusin nila, na in the next month or so makapunta ako, pipiliin nila ’yung lugar and sinabi ko without hesitation whatsoever, gusto ko talaga pumunta.”

Dahil nga sa bagong responsibilidad na ito ni Kris, mas lalo pang maisasantabi ang kanyang love life at talagang in-assure naman niya na any free time na meron siya ay talagang sa mga anak na lang niya ibubuhos.

Inamin ni Kris na talagang scared siyang magmahal ulit.

“Di naman ako talaga sinwerte doon (sa love). Nakailang strikes na ako. ’Di lang ako ’yung takot. Kasi alam ko din na takot ’yung mga kapatid ko lalo na ang ate ko.”

Binanggit nga ni Kuya Boy ang tungkol sa hindi pa rin namamatay na tsismis sa kanila ni Diether Ocampo at anang aktres/TV host, hindi raw niya nakikita ang aktor lately.

“Honestly, I have not seen Diet in about a month. We stopped talking, he knows this, I told him ‘di kumportable ang pamilya namin kasi sobrang gwapo ka.”

Tungkol naman kay Mayor Junjun Binay, ani Kris, “He’s my friend. That’s about it. Wala talaga.”

Pero nagbiro ang Queen of All Media na baka nga rito pa siya sa bagong posisyon sa UN makakilala ng special someone.

“Feeling ko lang dahil sa United Nations may makikilala ako. Honestly don’t you think? Lahat happens for a reason… siguro meron tayong makikilala diyan na makakacontribute sa kapayapaan ng buong mundo at kapayapaan ng puso ko,” natatawang sabi ni Kris at natawa rin si Kuya Boy.

Baby James richer than his parents

September 8, 2011

Dahil nagpahayag si Kris Aquino recently na nagkaroon na sila ng settlement ni James Yap tungkol sa usaping pera, marami ang curious kung nakapag-usap na rin ba sila tungkol sa financial earnings ng anak nilang si Baby James.

Sa presscon kahapon ng Olay Total Effects, isa ito sa mga tinanong at hindi naman nagdamot ang TV host-actress sa sagot na gustong marinig ng media.

“You know, I don’t think that James is the type of person na kukuhanan ng pera ang sarili niyang anak.         “So, everything that our son has earned, malinis na malinis ang accounting.

“In fact, both my managers, si Deo (Endrinal) at si Boy (Abunda), walang porsiyentong kinukuha. Mas mayaman na, actually, ang anak namin, oo.

‘Kasi may napundar na kami sa kanya na property, kumpleto na ang education niya all the way hanggang masters kung gugustuhin niya, meron na rin siyang trust fund, pareho sila ni Josh (her eldest son), so I think, ’wag na kayong gumawa ng intriga between me and James, kasi, tapos na, eh.

“And in all fairness, we’re not close kasi I don’t want to be plastic and say we’re close, but we’re civil. And he’s enjoying a very good relationship with our son, and si Bimby also, kasi hindi naman niya napi-feel na may stress between his parents, kaya happy siya.

“So, siguro, bilang magulang, ’yun naman talaga ang responsibilidad namin. So, ’yung pera na pinag-uusapan diyan, it’s unfair to James, I think.

“And in all fairness, pumipirma siya sa lahat ng kontrata for Bimby because sa rami nga ng endorsement na ’yun and nakita naman niya talaga kasi, pinapakita ko sa kanya kung ano ang meron na si Bimby,” pahayag ni Kris.

Does it mean na tuloy na tuloy na talaga ang pagiging showbiz personality ng anak niya?

“He has long-term contracts, o, ’di ba, sosyal siya? Ang mga kontrata niya hanggang 2013, so, ’yun. Pero he’s in school right now and he’s doing so well. Ang trabaho niya is only during weekend and we space it na in a month, one TVC (tv commercial) or at the most, one tvc and one photoshoot.”

Hindi ba siya naka-line-up na mapasama sa Goin’ Bulilit or other related shows?

“Ang tagal na kaming niyayaya. Ako ’yung tumatanggi. Kasi gusto ko, solo niya,” sabi ni Kris sabay halakhak. “O, ’di ba? Hahaha!”

Pero ayon kay Kris, ang talagang dream niya for Bimby ay show na tipong mala-Kids Say the Darndest Things, isang American show.

“It’s so scary but super bagay sa kanya pero sa sitwasyon namin ngayon, hindi puwede dahil baka kung anu-ano ang masabi.

“Pero bagay na bagay sa kanya kasi ’yung napapanood ninyo sa commercial na innate curiosity, hindi mo puwedeng artehin ’yun, ganu’n siya talaga sa totoong buhay.”

Hindi rin nakaiwas si Kris sa tanong tungkol sa kanyang President brother na si Noynoy Aquino at sa bagong nali-link na girl dito na isa ring politician.

“So, ano ang gusto ninyong gawin ko?” natatawa niyang tanong.

“Honestly, you know, he’s single, it’s not like he’s married to anybody, it’s not like he’s committed to anybody, he’s free to date or to pursue or to get to know  anybody na gusto niya.

“As I promised him talaga, never akong makikialam, respeto na lang sa kanyang posisyon at respeto bilang kuya and shut up na ako. Kung sinuman ’yun, ’di kayo na lang ang mag-speculate. At least, ang masasabi ko lang du’n, you know, a person deserves inspiration, kahit sino.

“Ako, may inuuwian akong mga anak who shower me with love. Siya, wala. So, we all pray that somebody would come along na talagang lalo siyang ma-inspire because kung inspirado ang Presidente, tayo ang makikinabang,” komento ni Kris.

Sa bandang huli, natanong siya kung ano ba talaga ang kanyang daily beauty regimen since kinaiinggitan ng marami ang kanyang flawless skin.

“Honestly, okay, ito ang totoo, ’yung facial wash na ginagamit ko, nag-hoarding ako nu’ng nag-Bangkok (ako). Kasi, ’yung variant na ’yun na ’yung walang fragrance, du’n meron, eh.

“Tapos sa Hong Kong din, tapos ginagamit ko talaga ’yung gentle na I think with SPF 19, if I’m not mistaken. Tapos, ’yun na ’yun. Go na ako.

“Pero ’pag outdoors ang shoot, may ginagamit akong additional na SPF 50, ’yun, ano na ’yun, baby brand, pang-baby. Tapos ’yung body wash sa States, actually sa S&R meron, marami, tapos, iba-iba.

“Meron pang pampa-relax ’pag gabi. So, iba ’yung ginagamit ko, maarte lang ako, iba ’yung body wash ko na ’pag morning at iba ’pag gabi. Tapos meron pang   may body scrub, pero imported din ’yun. Sad nga, sana magkaroon na tayo talaga.

“And then, sa gabi, meron din sila na parang booster serum, kaya lang wala rin tayo nu’n, eh. Sa Hong Kong ko nabili naman ’yun.”

Naibalita rin ni Kris na kailangan niyang mag-lose ng 10 lbs. dahil ni-require siya ni Direk Joyce Bernal para sa movie nila ni Dingdong Dantes na Segunda Mano.

Kris Aquino hurt over Junjun Binay’s statements

July 18, 2011

Hindi napigilan ng Queen of Talk na si Kris Aquino ang pagbuhos ng sama ng loob sa Twitter.

Nasaktan si Kris sa mga pahayag ng nauugnay sa kanyang si Makati Mayor Junjun Binay sa isang broadsheet.

Tinanong kasi si Binay kung may posibilidad ba siyang muling magpakasal matapos mabiyudo.

Pero idinaan lang sa biro ni Binay ang sagot sa pagpapakasal, hiwalayan at muling pagkakasal.

Kahit biro lang, tila patama ito sa kanya, ayon kay Kris.

Matapos mag-tweet ng ilang beses, agad ding binura ni Kris ang kanyang mga pahayag.

Sa panayam sa Queen of Talk, ipinaliwanag niya ang damdamin.

“Nagkausap na kami kagabi ni Mayor Jun. Okay naman kaya lang siguro hindi lang maaalis sa akin na… ‘Yong pagkadugtong kasi ng article was pertaining to me, tapos ‘yung pa-joke niyang sinabi sa dulo,” sabi ni Kris.

Giit din ni Kris, hindi sila nagde-date ni Mayor Binay.

“If you read it kung nagde-date kami, klarong sinabi niyang magkaibigan kami. And feeling ko lang, hindi mo ginaganoon ang kaibigan mo,” sabi ni Kris.

Ayon kay Kris, hindi siya nagsasalita para protektahan ang pagkakaibigan nila ng alkalde.

“Nalungkot talaga ako kasi okay ang pagsasama namin, okay ang pagiging magkaibigan namin. Pero dahil nalalagyan ng kulay, ang hirap maging friends,” sabi ni Kris.

Paliwanag ni Kris, sensitibo siya sa paksa ng hiwalayan at muling pagpapakasal dahil sa pinagdadaanan nila ng dating mister na si James Yap.

Paliwanag naman ni Binay, hindi niya hangad na masaktan si Kris.

Wala rin daw planong muling magpakasal ang nagluluksa pang mayor.

Desidido naman si Kris na iwasan si Mayor Binay.

“Para matapos na lang ito, keep a distance na lang ako para there’s no more reason for me to get hurt anymore,” sabi ni Kris.

Kris Aquino denies romance with Chiz Escudero

June 1, 2011

Actress-host Kris Aquino finally addressed reports linking her to Senator Francis “Chiz” Escudero.

In an interview during a photo shoot for the music video of her album “Love Moves,” Aquino said there is nothing going on between her and Escudero.

“Sige na nga, pini-preempt niyo na. Unahan ko na po. Ang pilot episode ko, siya ang guest. So once and for all, kung matanong man siya, what you see is what you get na lang,” said Aquino, who will be hosting a new morning show with the working title “KrisTV.”

She added: “You’ve never seen the 2 of us together. I think both of us would want to put all the rumors to rest.”

The host said she personally invited the senator to grace her show and the latter agreed.

Aquino also said that until now, she has no idea how the issue started.

“Clueless talaga kasi obviously it didn’t come from me. So wala, hindi ko alam kung sino ang nagsimula. Parang natatawa na lang kami kasi hindi talaga namamatay. So para once and for all, eto na ako, makikita niyo kaming dalawa at magluluto pa nga siya,” Aquino told abs-cbnNEWS.com.

For those who will watch her show, Aquino said they will clearly see that there is nothing going on between her and Escudero.

“Malalaman niyo kasi doon na we don’t know each other well. Kasi doon makikita kung magkakilala o hindi kayo magkakilala. So once and for all, ‘yun na ang sagot. And I think that’s also (the reason) why he said yes,” she said.

Asked for comment about the news that Escudero and his wife are now separated, the President’s sister replied: “Hindi ko din alam talaga. And I never intend to ask him about his personal life kasi galangin naman natin, senador siya.”

Philippine Star entertainment columnist Rickly Lo reported last April that Escudero and his wife of 10 years, Elizabeth “Tintin” Flores, have split up. “They’ve been living apart for five months now,” a source told Lo.

Aquino added that she’s not seeing or dating anyone, and she’s not in love.

“If it happens in my life again at ma-bless ako, sa show ko na po sasabihin sa July,” Aquino said.

RH and divorce bills

Meanwhile, Aquino was also asked about the controversial RH and divorce bills.

She said she has no comment.

“No, I have no opinion kasi I don’t want to anger the Catholic Church anymore. Kasi ang hirap. Kapag nagsisimba, palaging RH ang sermon kahit gusto mong mag-pray.

“Minsan feeling ko talaga ay name-mersonal na ng husto. So huwag na lang akong magbigay ng opinion kasi baka mas mahanapan pa nila ako ng maraming titirahin pa,” she added.

Aquino filed for annulment to end her 5-year marriage with star cager James Yap.

Aquino, one of the judges of “Pilipinas Got Talent”, is also set to have her own reality show.

“There’s also ‘KrisTV’. It’s Kris Aquino live cast brought to you by ABS-CBN Interactive so araw-araw ‘yon. ‘Yung prayers sa morning naka-live na ibi-video na ‘yon at saka nasa set ako. Gusto nila may tracker pero tumanggi ako kasi OA naman. Pero ‘yung pagluto ko mayroon, [and] things na pinapayagan kong ma-share,” Aquino shared.

She will also be back as host of the new season of “Deal or No Deal”.

Kris Aquino: ‘I’m no longer close to Diet’

June 1, 2011

Actress-host Kris Aquino said she is no longer close to actor Diether Ocampo.

In an interview during a photo shoot for the music video of the song “Love Moves” from her album “My Heart’s Journey” under Universal Records, Aquino said that Ocampo’s “Marcus Aguilar” mood was the reason behind their misunderstanding.

“Kasi alam mo, siya, may kadramahan siya. Kasi ang character niya [si] Marcus Aguilar. Kapag hindi siya nagre-reply sa text or sa BBM, [sinasabi niyang], ‘Sorry, naka-Marcus Aguilar ako’. Sabi ko, ‘Ah, method acting.’ Eh 36 hours bago mag-reply kaya naging inconsistent na din ako. Deadma na,” Aquino said.

Marcus Aguilar is the character Ocampo is playing in “Guns and Roses”, a new action drama series of ABS-CBN set to start airing on June 6.

Aquino added: “Parang hindi na kami close–bakit? Kasi totoo, kasi hindi niya ako nire-replayan. So ‘yon, huwag na lang. Ang daming gustong mag-reply (sa akin). Ang babaw. High school lang. High school na high school.”

Ocampo and Aquino’s friendship started when they worked together on the film “Dalaw.”

Aquino also shared that Ocampo felt bad when she and her son Bimby didn’t attend a party that the actor organized.

She also left Ocampo at a birthday party of one of the executives of ABS-CBN.

“Nagkita kami sa party ni Tita Cory. Iniwan ko siya kasi inantok na ako. Sabi niya, ‘Ikaw ang nagpapunta-punta dito tapos biglang lumayas ka.’ Sabi ko, ‘Sleepy na ako.’ Kasi ang aga ng call time. ‘Yun na ang last,” she explained.

Kris Aquino denies naming PNoy’s date

June 1, 2011

Actress-host Kris Aquino denied reports saying she was the one who named the mystery date of her only brother, President Benigno “Noynoy” Aquino III.

In an interview during a photo shoot for the music video of the song “Love Moves” from her album “My Heart’s Journey” under Universal Records, Aquino stressed that she has been staying true to her promise not to speak again about her brother’s love life.

“Super talaga, ayaw ko. Takot ako. Na-headline na nga si Bimby sa Inquirer at binlame-blame pa ako na pagsabihan daw ang sister na kung ayaw pag-usapan ang love life, sabihan ang sister na huwag maging madaldal. Hindi ako ‘yon talaga. I swear. I didn’t even meet her. I didn’t even know her name, her last name, so wala,” said Aquino.

The actress said that to keep the peace in the family, she will remain quiet about the President’s love life.

“For the peace of the family, para hindi magalit sa akin, ayaw ko na talagang magsalita,” Aquino said.

Aquino said that as a sister, she has no say when it comes to her brother’s romance.

In the end, she shared that she only wants her brother to be happy.

“We just want his happiness. Kasi ‘di ba, a happy President will be an inspired President,” Kris said.

Next Page »