Lolit Solis nawalan ng kredibilidad
May 19, 2008
Siguradong ligtas na sa kulong si Lolit Solis, dahil iniurong na nina Piolo Pascual at Sam Milby ang kanilang demandang libelo laban sa kanya matapos niyang bawiin ang kanyang sinulat at humingi ng dispensa sa dalawa sa isang statement na pinirmahan niya sa korte mismo.
Matapos iyon, pumirma na rin sina Piolo at Sam na iniuurong na nila ang kanilang demanda.
Medyo kritikal ang kasong ito kay Lolit, dahil nakalusot siya sa kaso niya noon sa Manila Film Festival scam dahil sa probation, pero maliwanag ang mga kundisyon na hindi na siya dapat masabit pa sa ibang kaso.
Related News
Rudy Fernandez is in bad shape — Lolit
May 15, 2008
By: Ogie Diaz —“Ngayon ako naniniwala na talagang mababait sina Sam (Milby) at Piolo (Pascual) at mga Christian talaga sila!”
’Yan ang sey ni Ate Lolit Solis nu’ng makausap namin sa aming radio program kahapon.
“Sasabihin ko lang sa kanila, kung kailangan nila ang tulong ko at alam kong makatutulong ako, gagawin ko.
“Imbitahin lang nila ’ko sa kanilang okasyon o sa premiere night ng movie nila, pupunta ’ko!”
Related News
Lolit Solis humingi ng tawad kina Piolo Pascual, Sam Milby
May 15, 2008
ALL is well between Piolo Pascual, Sam Milby and Lolit Solis.
Nagkita-kita for the last time sina PJ, Sam and Lolit Wednesday night sa sala ni Judge Jose Mendoza ng branch 55 sa Manila RTC.
Isinumite ni Lolit ang retraction niya sa kanyang naisulat which states in full: “There is no factual basis for my article which came out on October 12 2007. I am extremely sorry for dragging the names of Sam and Piolo. Sam, Piolo, I am sorry for the hurt and embarrassment I caused.”
Related News
“SORRY kung na-disappoint kita.” - Inah Revilla to Lani Mercado
April 12, 2008
“SORRY kung na-disappoint kita.”
’Yan ang maikli, pero madamdaming pahayag ni Inah Revilla, 18, sa inang si Lani Mercado, na nag-guest nang live sa Startalk ilang oras bago idaos ang 40th birthday party kahapon ng hapon.
Actually, ngayong Linggo ang birthday ng aktres, pero kagabi ginanap ang bonggang selebrasyon.
Alam daw ni Inah na maraming tao ang na-disappoint sa maaga niyang pagpapakasal sa childhood sweetheart na si Vince del Rosario, 24.
Kaya naman nag-promise ito na gagawin ang lahat para makabawi, lalung-lalo na kay Lani at sa ama niyang si Sen. Bong Revilla.
Related News
Lakas ng TFC, ang kinonsidera ni Gabby Concepcion
March 31, 2008
TINAWAGAN muna namin si Ate Lolit Solis para ipagpaalam sa kanyang pupuntahan namin si Gabby Concepcion sa The Buzz.
“Oo naman, anak. Alam ko namang idol mo ’yon, ’no! Magmamaldita pa ba ’ko, eh, number one fan ka ni Gabby nu’ng araw pa?”
Hehehe. Juice ko, dalawa sila ni Aga Muhlach na fan na fan ako, ’no! Ang sarap balikan ng nakaraan.
Kaya ayun, 3:30 p.m. pa lang, nasa ABS-CBN na kami para abangan si Gabby. At sa totoo lang, nu’ng makita namin siya, feeling namin, kami ang tumanda, ah?
Hindi nagbago ang mukha. Pula pa rin ang lips, ang ganda pa rin ng ngipin at macho pa rin ang lolo n’yo.
Read more>>
Related News
Lolit Solis pinagpa-public apology ni Annabelle Rama
March 10, 2008
Tinuldukan na ni Ruffa Gutierrez ang gulo sa pagitan nila ni Manay Lolit Solis. Tumagal nang ilang araw ang talakan portion nila sa ere at mga pahayagan since sumali na nga si Annabelle Rama para proteksyunan ang anak.
Mariing sinabi ni Tita Anabelle sa kanyang panayam sa The Buzz na titigilan na rin niya ang isyung ito. Nandoon lamang daw siya para mag-explain ng side niya.
Si Lani Mercado ang sinisisi ng ina ni Ruffa kung bakit lumala nang husto ang isyu at umabot sa hindi nila pagkaka-ayos ni Manay Lolit.
Ang punto ni Tita Annabelle, imbes daw kasi na payuhan ni Lani na tumigil na sa kakasalita si Manay Lolit at the height of the issue ay kinunsinti pa raw nito ang manager.
Related News
Annabelle Rama, hinamon at sinumbatan si Lolit Solis
March 5, 2008
MATALIM ang mga binitawang salita ni Annabelle Rama patungkol kay Lolit Solis bilang ganti umano sa mga “below-the-belt” na sinabi nito tungkol sa anak niyang si Ruffa Gutierrez.
Sa interview ng TV Patrol World sa ABS-CBN kagabi, mariing hinamon ni Tita Annabel si ’Nay Lolit na, “Lolit Solis, kung matapang ka, magharap tayong dalawa, anong oras, saang lugar, hindi kita uurungan, ’Day!”
Mahal daw niya ang talent manager at nirerespeto dahil nga magkaibigan sila for 30 years, pero hindi niya hahayaang kantiin nito ang anak na si Ruffa.
Binalewala rin daw ni ’Nay Lolit ang pagkakaibigan nila dahil “sa isang Lani Mercado.”
Read more>>













