Gov. Vi on Jennylyn Mercado: She makes Luis Manzano happy

December 5, 2011

JENNYLYN Mercado is a regular host in “Showbiz Central” but she was interviewed solo by Raymond Gutierrez last Sunday like she was a guest. This is because she first appeared in public with Luis Manzano, after they admitted they’re officially on, at the Golden Screen Awards in Teatrino, where ex-BF Dennis Trillo was also present.

“I didn’t know I was going there that night,” says Jen. “Wala akong idea na I’ll attend the awards night kasi late na nang magpasama sa ’kin si Luis as he’s nominated. I heard Dennis was there but he waited daw in a bar while we’re inside and just went to the theatre after we left. Ang tagal na nu’ng nangyari sa’min ni Dennnis so kalimutan na lang natin. We see each other sa ‘Party Pilipinas’ kaya lang hindi pa kami nag-uusap. Kilala ko si Dennis and he’s not the type na sasabak sa gulo, so wala namang masama kung magkita-kita kaming tatlo. Ayoko ng feeling na may nakakasalubong ka na mabigat ang pakiramdam.”

Dennis himself was interviewed later about Jen and Luis. “Masaya ko for them. Pasko na kaya kalimutan na lahat ng nangyari dati. We’ve moved on.”

An interview with Gov. Vilma Santos was then shown to Jen. “I’m happy for my son and Jen ngayong umamin na sila. Kung happy sila, I’m more happy for them. Nakikita ko masaya si Luis kasi pinasasaya siya ni Jen who’s down to earth. They’re still at the stage of getting to know each other better kaya huwag natin silang pangunahan kung pakakasal na sila. Basta I want to thank Jen kasi I can see Luis is happy now, he’s blooming.”

What can Jen say about this? “Nagulat ako kasi puro mabubuti ang sinabi niya tungkol sa akin. Salamat sa kanyang pagtitiwala. Sa lahat ng mabubuting salita ni Tita Vi for me, hindi ko po kayo bibiguin.”

Luis Manzano on Jennylyn Mercado: We don’t have a relationship

September 6, 2011

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Luis Manzano nang tsikahin namin sa Kapitolyo ng Batangas kamakalawa, na susundan niya ang yapak ng inang si Gov.Vilma Santos.

“If ever na pasukin ko na rin ang pulitika, dito sa Batangas ako lalaban para maipagpatuloy ko ang nasimulan ng magulang ko. Pero hindi pa ngayon. Kailangan kasi ng masusing paghahanda kapag pumasok ka na sa politics,” pag-amin ni Luis.

When asked about his relationship with Jennylyn Mercado, giit ni Luis: “Jen and I are dating. Yes, super-close kami pero wala pa kaming relasyon. Masaya kami kapag magkasama pero talagang wala pa kaming relasyon.”

More than MU (mutual understanding) raw ang relasyon nila ni Jen, pero walang commitment na masasabing sila na talaga.

Close din si Luis sa anak ni Jen kay Patrick Garcia at madalas daw silang naglalaro ng anak ni Jen kapag nasa bahay siya ng aktres.

Itinanggi rin ni Luis na hindi totoong pamasak-butas lang niya si Jen sa paghihiwalay nila ni Angel Locsin.

“No! Not true na pamasak-butas si Jen. Tulad nang sinabi ko, wala kaming relasyon ni Jen. Paano siya masasabing pamasak-butas, hindi pa naman kami mag-on,” hirit pa ni Luis.

Vilma Santos hands-off on Luis Manzano’s love life

August 4, 2011

Star for all seasons and Batangas Governor Vilma Santos said she doesn’t interfere with the love life of her son, actor and television host Luis Manzano.

Santos told “Showbiz News Ngayon” on Thursday that she is confident that her eldest son is old enough to think on his own when it comes to matters of the heart.

“Anything to do with let’s say love life, I don’t meddle. I don’t impose kung sino bagay ito ang gawin mo, no I don’t. Especially si Lucky, he’s old enough, he’s mature enough to decide for himself,” Santos said.

As much as she wants to protect her kids, Santos explained that she wants her children to learn how to make their own decisions.

“When it comes to decision-making, iniiwan ko palagi ang desisyon sa kanila. Hindi ko na pwedeng pakialaman masyado ‘yan kasi ayaw ko naman sila maging weakling na someday hindi sila makapagdesisyon ng sarili nila,” she said.

Meanwhile, Santos also revealed her secret for having the best relationship she could have with her sons.

Santos believes that her capability to aptly adjust to the changing generation along with her choice of becoming a “liberated” mother probably keeps her close to her boys.

“The klase ng magulang, o nanay, ako sa kanila, I’m very ‘liberated.’ Maybe, isa ako sa baka kakaunti na naniniwala na, at this point in time, mothers should adjust to your children too. Kasi, iba na po ang era ngayon. Iba na ang generation ang meron tayo. When I say ‘liberated,’ pwede akong kaibigan nila,” she explained.

Luis Manzano introduces Jennylyn Mercado to Gov. Vi

May 22, 2011

Mukhang masayang-masaya si Luis Manzano habang buong ningning niyang inaamin sa E Live last Saturday na nagde-date nga sila ni Jennylyn Mercado. Sa unang tanong pa lang ni Nikki Gil kung true na they’re dating nga, walang paliguy-ligoy na “Yes” ang sagot ng aktor/Tv host with matching super-sweet na smile.

Siyempre ang next question ay kung paano sila nagkakilala at ayon kay Luis, dati na silang nagkikita sa mga raket-raket pero nag-start lang talaga silang magkasama at magkakilalan nang mag-kasabay sila sa training ng muay thai at jujitsu.

Pero bago pa ito, noon pa man daw ay gandang-ganda na siya kay Jen. “Kahit nasa kabila pa lang si Jen, I’ve always been a fan of her beauty. Kahit noong makita ko siya sa Legazpi sa isang beauty pageant, sabi ko sa kasa-ma ko, ang ganda niya no?” sey ni Luis.

Tinanong siya ni Nikki kung what made him decide to court her at say ng aktor, “siguro, nung nag-kakasama kami, parang hinahanap-hanap mo ’yung tawa niya. Parang ganu’n. Kasi nagkakasama nga kami sa rolling, eh. Sa jujitsu, so hindi nga biro ang ginagawa namin du’n. Bagsakan ’yun, kung anu-ano, pero still, you look forward to it kahit alam mong medyo sakit ng katawan ang ending mo para sa hapon na ’yun.”

Luis also admitted na napakilala na niya si Jen sa nanay niyang si Gov. Vilma Santos. Holy week daw ’yun sa Batangas at nag-dinner sila with his mom.

“My mom likes Jen. And thank you at sino ba naman ang hindi boboto kay Jen ’pag nakilala na siya nang husto.”

Okay lang daw sa kanya na may anak na si Jen at ipinagtanggol pa niya ito sa mga ‘negative’ people na humuhusga sa aktres.

“Definitely, a child is a blessing sa mga buhay-buhay and for there are some na nababasa ko na napaka-negative na tao na ini-insinuate na napaka-sama na maging ina at her age at mahirap makipag-relasyon sa isang tao na may anak na, ang masa-sabi ko lang naman sa ganu’n, eh di sana, parang hinusgahan na rin ang mommy ko. Dahil nang pu-masok si Tito Ralph (Rec-to) sa buhay namin, my mom had me.

“So, kung hinuhusgahan n’yo si Jen for having a son at nagkataon na may papasok man sa buhay niya, eh di parang hinusgahan n’yo ang mommy ko which is very, very unfair. Siguro naman, my mom raised me well, siguro naman hindi ako naging pabigat at nakikita naman si Mom at si Tito Ralph ngayon, so far, so good. So, sana hindi gamitin ’yun because it’s a very, very stupid logic,” pagdedepensa ni Luis kay Jen.

Nilinaw din ng aktor na ang pagkakaroon ng akusasyon kay Jen na user ito ang nagbunsod sa kanya para lumabas at magsalita.

“Na apparently, unang-unang lumabas, ginagamit daw ako ni Jen. Unang-una po, kung si Jen ang gumagamit sa akin, bakit ako po ang nagyayaya parati. So, para malinaw po, wala pong ganu’n, ako nagyayaya kaya imposible. And Jen is definitely not a user. Para malinaw po, wala po sa kanya ’yun.

“Second, du’n sa issue na apparently, ako pa ang nanggagamit kay Jen. Kaya nga po, ganu’n (minuwestra niyang naka-zip ang bibig niya meaning, quiet) ako. Kasi ayoko nga pong pag-usapan, ayaw ding pag-usapan ni Jen.

“’Yung iba lang po ang gumagawa ng issue. At saka sino ba naman ako para gamitin? As if naman ako ’yung parang pinakasikat na star. Ang sa akin po, ang kasikatan, napakadali lang niyan. Isang araw, sikat ka na. Ang gusto ko, magtagal sa industriya, hindi sumikat.”

Sa tanong kung happy ba siya ngayon, ani Luis, “I am very, very happy.”

Luis Manzano ayaw maipit sa gitna ng buhay-pulitika nina Edu, Ate Vi

March 22, 2010

KUNG ikinagulat ng publiko ang pagtakbong vice president sa May 10 elections ni Edu Manzano, mas lalo raw itong ikinagulat ni Luis Manzano, anak ni Edu kay Vilma Santos.

Ayon kay Luis, akala niya ay pagkasenador ang tatakbuhin ng ama. Pero, kahit anong posisyon daw ang tak-buhin ng ama ay 100 percent na susuportahan niya ito.

Nilinaw din ni Luis na walang katotohanang umat-ras na ang ama sa pagtakbong VP. Gawa-gawa lang daw ‘yon ng mga kalaban ng ama sa pulitika. Wala raw balak mag-back-out ang ama kahit kapos ito sa pondong gagamitin sa pangangampanya.

Nakasuporta rin si Luis sa inang si Vilma Santos na tatakbo muling Governador ng Batangas. Balanse daw si Luis sa pagsuporta sa mga partidong kinabibilangan ng kanyang ama at ina.

Read more>>

Ate Vi proud sa playboy image ni Luis Manzano

September 10, 2009

Finally, nakausap namin nang hindi pinagkakaguluhan ng reporters si Batangas Governor Vilma Santos sa launching ng Laki sa Gatas ng Bear Brand milk kaya malaya naming naitanong sa Star For All Season ang kanyang reaksiyon tungkol sa pag-tatampo ng showbiz press kina Luis at Edu Manzano.

Ang isyu kay Luis ay ang pagiging playboy daw nito kaya sila nag-break ni Angel Locsin.

“Matagal nang isyu ‘yang playboy image ni Lucky. I;m proud sa anak ko. But seriously speaking, sadyang malambing ang anak ko at kayo na ring taga-press ang magpapa-tunay na ganyan si Lucky. Super-makisama na nami-mis-interpret ng iba,” paliwanag ni Ate Vi.

Never din daw nakialam si Ate Vi sa break-up ng anak at ni Angel.

Inamin din niyang close at mahal niya si Angel at naniniwala siya sa sinabi ng actress na walang nama-magitan sa kanila ni Sam Milby.

Read more>>

Maricar Reyes dahilan ng Luis Manzano Angel Locsin break-up

August 26, 2009

Pinutakti ng tanong si Luis Manzano sa prescon ng In My Life ng Star Cine-ma tungkol sa napabalitang break-up nila ni Angel Locsin.

Ayaw sagutin ni Luis nang diretso ang tanong ng lahat kung break na ba sila ni Angel o hindi.

Mas gugustuhin na lang daw niyang pag-usapan ang movie nila ng kanyang mom, na si Vilma Santos.

Kesyo right from the start naman daw ay hindi nila nire-reveal sa press ang relasyon nila ni Angel kaya gusto lang nilang i-maintain ang pagiging tahimik nila at pribado hanggang sa huling sandali.

Pero siyempre, ayaw pumayag ang press na manahimik na lang si Luis sa issue lalo pa’t ang lumalabas ay siya ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Angel.

Kesyo may third party raw na involved at ang pa-ngalan ni Maricar Reyes ang lumalabas na pampagulo.

Read more>>

Next Page »