Pinoy Idol vs. Pinoy Dream Academy

June 17, 2008

Natanggal na ang paborito ng gay press (during the launch of the Final 24) na si JJ, Jr sa Pinoy Idol noong Linggo.  Sadly,  hindi siya nakapasok sa pinakaasam-asam na Final 12.  Maski kami ay nahulaan na namin na it’s just a matter of time bago siya mapa-tsugi sa Pinoy Idol kasi wala naman siyang ipinapakitang bago sa performance niya week after week.

Sad  to say,  mukha lang niya ang kanyang puhunan at kulang pa siya sa talento sa pagkanta to make it sa Pinoy Idol.

Ganun din ang sitwasyon ni Daryl Celis na nakasama ni JJ sa bottom 2 last Sunday. Cute lang siya pero kadalasan ay sintunado siya kung kumanta. Hindi na kami magtataka kung sakaling siya na ang susunod na matatanggal after JJ.

Read more>>

Related News