Celebrity Profile Topics Menu
 Main Menu
 dPinoyWeb Link Directory
 Funny Videos
 Advertiser
 Blog Roll
  Advertisers
Author : bebo
Article ID : 271
Audience : Default
Version 1.00
Published Date: 2007/12/10 17:51:38
Reads : 259

SPLIT na nga sina Alfred Vargas and LJ Reyes.

Napilitan nang magsalita si Alfred sa estado nila ni LJ nang makausap namin ang binata kamakailan.

Hirap na raw kasi si LJ sa pag-iwas sa mga press people dahil ayaw niyang sa kanya malaman na wala na nga sila.

So, sabi raw ni Alfred sa ex-girlfriend, siya na lang ang kakausap sa press.

Sensitive daw kasi ang kanyang ‘ex’ lalo na when it comes to private matters.

Pag-amin ni Alfred, last November pa sila nag-split. Panahon sa isa’t isa ang naging problema nila.

The same reason why they cooled off months ago, hanggang sa dumating na nga sa tuluyang paghihiwalay.


Sinubok naman daw nila talagang ilaban ang kanilang relasyon, kaso nga hindi sila magtugma.

Pareho silang busy sa respective shows nila sa GMA — si Alfred sa My Only Love na part ng Drama Rama Sa Hapon, at si LJ sa Zaido: Pulis Pangkalawakan na part naman ng TeleBabad.

Blue Christmas ngayon ang mag-ex.

* * *

MALAKAS ang laban ni Nash Aguas na maka-repeat this Christmas sa MMFF 2007.

Last year, outstanding siya sa Yaya episode ng Shake, Rattle & Roll 8. Siya talaga ang nagdala ng episode nila nina Sheryl Cruz and Iza Calzado, so we really campaigned for him na kung puwede, sa Best Actor category siya ilagay.

Hindi man ito nangyari, si Nash pa rin ang nanalong Best Child Performer last year.
Hitsurang mauulit na naman ito this year with his return to the SRR franchise.
Bida ulit si Nash sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll 9, sa Christmas Tree kasama sina John Prats, Lovi Poe and John Lapus.

Insider source, na nakapanood na ng buong pelikula, ang nagsabing napakagaling ni Nash sa mo-vie, so we won’t be surprised kung in the bag na muli ang Best Child Performer for the young Star Circle artist na minsan na naming napaiyak sa birthday presscon noon.

Nakabawi na kami, he he he!

* * *

MAKAHAHABOL na sa taping ang Boys Nxt Door.

Weeks before, ngaragan ang taping ng kaisa-isang teen show ng GMA-7 na ipinapalabas every Sunday after SOP.

Saturday kasi ang ta-ping nila at Sunday nga ito ini-ere.

Kaso, nagkaroon ng delay noon ang taping kung kaya for about two weeks or so, talagang tape to air ang nangyayari -- as in tape Saturday and air Sunday.

Mabuti na lang puro professionals ang mga ba-gets, so everything went very well.

So well nga na hindi na muling natalo ang Boys Nxt Door ng competition di ba?

Anyways, may nakabangko nang extra episode ngayon ang Boys Nxt Door dahil last Sunday, na preempt ang telecast to give way to the boxing match na ipinalabas before SOP.

Kaya mamaya pa lang ang continuation ng kuwento ng guest star na si Ailyn Luna na pinipeste ng kulam ang kalaban ni-yang si Glaiza de Castro.

And since Christmas season na, tiyak naga-advanced taping pa sila ng maraming episodes.

* * *

THIS is the biggest number of entries mula sa Kapuso Network na napabilang sa finals sa kasaysa-yan ng taunang patimpalak.

Meron silang 14 entries na kinabibilangan ng apat na I-Witness documentaries ang nakapasok, Iskul Ko No. 1 ni Sandra Aguinaldo at Sa Mata ni Ekang at Alaga ni Kara David para sa Social Issues/Current Events Category at Huling Hala Bira ni Howie Severino para sa Community Portrait Category.

Nominated naman ang Batang Kalakal ng Reporter’s Notebook for Human Interest Category.

Another nominated Reporter’s Notebook episode is Engkuwentro for Coverage of Ongoing Story Category.

The other shows with nominations are Sculpture Special ng Art Angel for Educational/ Instructional Elementary Category; Mga Batang Nasusunog ng Emergency; Scallops at Boxing ng Kapuso Mo, Jessica Soho for Social Issues/Current Events Category; at Tok! Tok! Tok!, Isang Milyon Pasok! para sa Variety Category.

0
Printer Friendly Page Send this Article to a Friend
 
The comments are owned by the poster. We aren't responsible for their content.
 Advertisers
Celebrity Profile
Polls
Are you in favor of Erap's Guilty verdict?
Yes 22%
No 77%
I Don't Care 0%
Who's Online
11 user(s) are online (1 user(s) are browsing Celebrity Profile)

Members: 0
Guests: 11

more...
Advertisers